Luzon uulanin sa Araw ng Pasko dahil sa Shear Line, Amihan, Easterlies
BAGO kayo mamasko mga ka-BANDERA, siguraduhing may dala kayong payong, kapote o anumang panangga sa ulan.
Ayon kasi sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw ng Pasko, December 25, magpapaulan sa ating bansa, lalo na sa Luzon ang ilang weather systems.
Dahil sa Shear Line, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.
Baka Bet Mo: Bagyo ngayong Disyembre posibleng may 1 hanggang 2 –PAGASA
Mararanasan naman ang cloudy skies with rains sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region nang dulot naman ng Northeast Monsoon o Amihan.
May isolated rainshowers or thunderstorms naman sa nalalabing bahagi ng bansa nang dahil sa epekto ng Easterlies.
Samantala, itinaas ng weather bureau ang “gale warning” o babala sa matataas na alon sa ilang karagatan dahil sa Amihan.
Kabilang na riyan ang Batanes, Cagayan kasama na ang isla ng Babuyan, Isabela, at northern and western coasts ng Ilocos Norte.
Babala ng PAGASA sa mga maglalayag at mangingisda, asahan ang 3.1 hanggang 4.5 meters ng alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.