KC Concepcion, Aly Borromeo nagkabalikan nga ba?

KC Concepcion, Aly Borromeo nagkabalikan nga ba?

Therese Arceo - January 25, 2025 - 12:31 AM

KC Concepcion, Aly Borromeo nagkabalikan nga ba?

HOW true nga ba ang chikang nagkabalikan ang aktres na si KC Concepcion at dati nitong dyowa na si Aly Borromeo?

Sa nagdaang episode kasi ng “Cristy Ferminute” noong Huwebes, January 23, naiulat ni Cristy na masaya ang puso ng panganay na anak ni Sharon Cuneta.

“Ang gandang balita nito kung totoo, ‘di ba. Sabi nga nila, ‘yong pangalawang pagkakataon is sweeter than before, ‘di ba? Si KC Concepcion deserve naman somebody na makakapagpasaya sa kaniya,” saad ng kolumnista.

Kasunod nito ang rebelasyon na muling magkarelasyon ang dalawa.

Baka Bet Mo: KC Concepcion dasal na maging OK na ang lahat para sa kanila ni Sharon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ilang taon na si KC, ‘di ba. Inaasahan nga ng marami mag-aasawa na siya at magkakaanak,” pagpapatuloy pa ng showbiz columnist.

Naisingit naman ng kanyang co-host na si Romel Chika ang kanyang pagpapapayat.

“Kaya pala siya nagpapapayat kasi isang athlete ang kaniyang laging kasama,” comment ni Romel sa pagbabalik alindog ni KC.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang panganay ni Sharon patungkol sa kanyang love life.

Para sa mga hindi aware, si Aly ay isang Filipino-American football player na naging dyowa ni KC noong 2016. Matapos ang dalawang taon ay nagkahiwalay na ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending