KC Concepcion dasal na maging OK na ang lahat para sa kanila ni Sharon
DASAL at wish ng aktres at negosyanteng si KC Concepcion na sana’y maging mas maayos na ang lahat sa pagitan nila ng kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta.
Hindi diretsahang binanggit ni KC kung ano ang pinagdaraanan nila ni Mega pero sa social media post ng dalaga ay mapi-feel mo na tina-try nilang mag-ina na ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan.
Nitong nagdaang Pasko at bago nga magtapos ang 2024 ay nag-post si KC sa Instagram ng isang postcard kung saan masaya niyang sinabi na nakapag-usap na sila ng kanyang nanay.
“Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Baka Bet Mo: KC Concepcion nag-invest ng property sa Palawan para sa pamilya
View this post on Instagram
“Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I.
“She always makes the holidays extra magical and special,” ang simulang bahagi ng caption ng aktres sa kanyang IG post.
Dagdag pa niya, “For this year’s Christmas season, I’m taking my quiet space to pray, reflect, recharge, reset, and look forward to the blessings I know God has in store for me (and my family)!
“I know nanjan lang si God para samin and magiging ok ang lahat. Especially between my mama and me,” lahad pa ni KC.
Sa huli, sinabi rin ng dalaga na super thankful siya sa lahat ng blessings na natanggap niya ngayong taon sa kanyang buhay.
“Grateful for the love and joy I have in my life everyday! From my little pack to yours, I hope your holidays are filled with warmth, laughter, endless cuddles, and love.
“Cheers to a fresh start for the New Year ahead… God bless us all!” pagtatapos ni KC.
Matatandaang noong August, 2023, nabalita ang umano’y hindi pagkakaintindihan nina KC at Sharon matapos i-unfollow ng una ang kanyang half-sister na si Frankie at stepdad na si Kiko Pangilinan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.