KC Concepcion nag-invest ng property sa Palawan para sa pamilya

KC Concepcion nag-invest ng property sa Palawan para sa pamilya

Pauline del Rosario |March 24,2024
facebook
share this

KC Concepcion nag-invest ng property sa Palawan para sa pamilya

Pauline del Rosario - March 24, 2024 - 11:41 AM

KC Concepcion nag-invest ng property sa Palawan para sa pamilya

PHOTO: Instagram/@kristinaconcepcion

ANG bongga naman ng bagong investment ng aktres na si KC Concepcion!

Sa serye ng Instagram Stories, proud na ibinandera ni KC ang biniling property sa San Vicente, Palawan.

Makikita sa serye ng videos ang isang masukal na lupain at may magandang overlooking view ng karagatan.

Base sa kanyang mga post, mukhang magpapatayo siya ng bahay bakasyunan hindi lang para sa kanya, kundi para na rin sa kanyang mga mahal sa buhay.

“A place to be enjoyed by my loved ones one day,” caption niya.

Baka Bet Mo: Pokwang ibinenta ang mga ari-arian na may alaala ni Lee O’Brian: ‘Kasi ayoko nang may mantsa at bakas niya!’

KC Concepcion nag-invest ng property sa Palawan para sa pamilya

PHOTO: Instagram Stories/@kristinaconcepcion

Mapapanood din sa video na may mga kasama siyang engineers na tila minamarkahan na ang kanyang property.

“I can’t wait to share this place with my special someone, and make new memories with family and friends,” wika niya.

“We do what we can, with what we have, where we are,” dagdag pa ni KC habang pinapasalamatan ang Panginoon, pati ang mga kasama niya sa lugar.

KC Concepcion nag-invest ng property sa Palawan para sa pamilya

PHOTO: Instagram Stories/@kristinaconcepcion

Bago ang kanyang Palawan trip, nagbakasyon si KC sa Batangas na ipinost niya rin sa IG.

Kasabay niyan ay nanawagan siya sa publiko na suportahan ang local beach businesses upang matulungan ang coastal communities.

“This summer is another chance for us to enjoy + support our local beach businesses ~ b&bs, resorts, family-owned shops, water sports centers, restos, cafés, palengkes, and small businesses. This way, we can help keep our coastal communities happy, colorful, and alive [Philippine flag emoji],” caption niya.

Baka Bet Mo: Mega tinuruan si KC na ‘wag umasa sa lalaki; girl power sa 5 serye ng Viu

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Si KC ay anak ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ang huling pagsasama ng tatlo ay noong Oktubre nang maganap ang reunion concert nina Sharon at Gabby na “Dear Heart.”

Kung matatandaan, nagsimula ang pag-iibigan ng dating mag-asawa nang maging magka-love team sila sa 1981 film na “Dear Heart.”

Makalipas ang tatlong taon mula nang ipalabas ang nasabing pelikula ay ikinasal sina Sharon at Gabby.

At matapos ang isang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng anak na si KC.

Pero hindi rin nagtagal ay nagkahiwalay ang dalawa at ang kanilang marriage annulment ay kinumpirma noong 1987.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa.

Si Sharon ay ikinasal kay dating senador na si Kiko, habang si Gabby naman ay kay Genevieve Gonzales.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending