Pokwang ibinenta ang mga ari-arian na may alaala ni Lee O’Brian

Pokwang ibinenta ang mga ari-arian na may alaala ni Lee O’Brian: ‘Kasi ayoko nang may mantsa at bakas niya!’

Pauline del Rosario |October 02,2023
facebook
share this

Pokwang ibinenta ang mga ari-arian na may alaala ni Lee O’Brian: ‘Kasi ayoko nang may mantsa at bakas niya!’

Pauline del Rosario - October 02, 2023 - 05:26 PM

Pokwang ibinenta ang mga ari-arian na may alaala ni Lee O’Brian: ‘Kasi ayoko nang may mantsa at bakas niya!’

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

KASAMA sa pagmo-move on ng comedienne-actress na si Pokwang ay ang pagbebenta ng ilan sa mga “properties” o ari-arian niya na may alaala ng estranged partner na si Lee O’Brian.

Ilan lamang diyan ay ‘yung dati niyang bahay at beach house na nasa Bataan.

Sa Instagram, ibinandera ni Pokwang ang isang video na ipinapakitang malapit nang matapos ang ipinapatayo niyang bagong bahay.

Caption pa nga niya diyan, “Konti nalang!!!!!! raket pa more hahahahahaha [folded hands emoji].”

Baka Bet Mo: Pokwang: ‘Hindi ako kumakain ng sinuka ko na at dinilaan na ng mga p*kp*k sa mga club na chipangga’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Makikita naman sa comment section na may isang netizen ang nagtatanong kung ibinebenta ng komedyana ang dati bahay kung saan nakasama niya ang dating lover. 

“Mayette, congrats on your new house. God is faithful. Are you selling the house that you shared with that man?” tanong kay Pokwang. 

Sagot ng aktres, “Sold na po last year pa. That’s why I’m selling my beach house sa Bataan kasi ayoko ng may mantsa niya at bakas.”

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

May isa pang netizen pa ang nagtanong kung nangongolekta na ba ngayon ng bahay ang komedyana. 

“Mamang! Grabe ka, masyado mong ginagalingan! Nangongolekta ka ba ng balur? Ikaw na talaga! The best ang single mom! Haha,” komento ng isang Instagram user. 

“Ganyan ako magalit,” reply naman sa kanya ni Pokwang.

Paliwanag pa niya, “Kapag inaapi ako at pinapaiyak, ganyan ang nangyayari—dumadami ang property ko.”

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

May umusisa rin sa aktres kung napalayas na raw ba si Lee dito sa Pilipinas. 

Ayon kay Pokwang, “Hindi pa nga e. May mga nakuhang padrino. Lakas ‘di ba? Tapos sasabihin niya ako daw ang maimpluwensiyang tao kaya nagpapa-victim ang g*go!”

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

Kung matatandaan, kinumpirma ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na dokumento para mapa-deport sa Pilipina ang estranged partner, at para na rin matanggal ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at gawin nang “Subong.”

Magugunitang isa sa mga rason kaya hiniwalayan at pinalayas ng aktres ang dating partner ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene hindi pa rin sumusuko sa ‘love & forever’ dahil kay Francis: ‘I will never give up, I will never lose hope’

Tracy Perez bitbit ang payo ni Megan Young at mga alaala ng yumaong ina sa paglaban sa 70th Miss World

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending