Tracy Perez bitbit ang payo ni Megan Young at mga alaala ng yumaong ina sa paglaban sa 70th Miss World
WALANG sinayang na panahon si Tracy Maureen Perez habang hinihintay ang araw ng grand coronation ng 70th edition ng Miss World.
Nasa San Juan, Puerto Rico na ngayon si Miss World Philippines 2021 Tracy Perez para sa finale pageant ng Miss World 2021 na ilang beses na ngang na-postpone dulot ng COVID-19 pandemic.
Gaganapin ang nasabing international pageant sa Coca-Cola Music Hall sa darating na March 17 (Manila Time) na mapapanood nang live via UPSTREAM.ph.
Pasok na si Tracy sa Top 30 candidates na rarampa sa coronation night ng Miss World matapos magwagi sa second round ng Head-to-Head Challenge bukod pa sa pagiging Top 5 finalists para naman sa Beauty with A Purpose Challenge.
Umabot sa 97 kandidata ang nag-join sa 70th edisyon ng Miss World na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo ngunit 44 na lamang, kabilang nga si Tracy, sa mga pinabalik sa Puerto Rico.
Ayon kay Tracy, malaki rin ang naitulong sa kanya ng pagkaka-postpone ng 70th Miss World noong December, 2021 dahil mas nakapaghanda pa siya nang bonggang-bongga para sa pinakaaabangang coronation day.
“For the second time around, I’m leaving for Puerto Rico, carrying with me our country’s hopes and dreams. Please continue to pray with me. I know that all our hard work will soon pay off and our hearts will shine though,” ang bahagi ng mensahe ng dalaga para sa sambayanang Filipino.
View this post on Instagram
At kung mag-a-align ang mga bituin para kay Tracy at palarin ngang manalo, siya na ang magiging ikalawang Miss World ng Pilipinas na una ngang nasungkit ng Kapuso actress na si Megan Young.
At knows n’yo ba na isa sa mga baon ni Tracy sa paglaban sa Miss World 2021 ay ang payo sa kanya ni Megan, “You just really have to be yourself. Because unlike other competitions, they would judge you from the very beginning, from the instant that you land in Puerto Rico.
“They will be looking for someone who is real, who is authentic, and someone who can carry the Miss World brand,” ang pagbabahagi pa ni Tracy sa isang panayam.
Bukod dito, bitbit din niya ang mga payo at alaala ng kanyang yumaong ina, “I know all throughout my journey she will be guiding me and that pushes me to really work hard despite everything and take on every challenge.”
https://bandera.inquirer.net/294812/miss-world-ph-2021-tracy-perez-sa-2-beses-na-pagbagsak-hindi-ko-alam-kung-matutuwa-ako-mahihiya-o-malulungkot
https://bandera.inquirer.net/300759/life-story-ni-miss-world-ph-2021-tracy-perez-pang-mmk-at-mpk-hindi-bet-noon-ang-beauty-pageant
https://bandera.inquirer.net/307565/tracy-perez-lucky-charm-ang-turing-sa-pinoy-pageant-fans-handang-handa-nang-rumampa-sa-70th-miss-world
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.