Moira Dela Torre in-unfollow nina Sam, Yeng, Erik, TJ sa IG, anyare?!

PHOTO: Facebook/Moira Dela Torre
USAP-USAPAN sa social media si Moira Dela Torre at ilan nitong mga kaibigan at kapwa-singers.
Ang kumakalat kasi na chika, in-unfollow umano nina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos, TJ Monterde, at ilan pang music artists sa Instagram si Moira.
Ito ay mahigit isang buwan mula nang ibalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz na may nakarating sa kanya na tuluyan nang binitawan ng Corrnerstone bilang talent ang dalaga.
Siyempre, chineck din namin isa-isa ang IG accounts ng mga nabanggit at totoo nga ay wala na sa kanilang following si Moira.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes in-unfollow na rin si Kathryn Bernardo sa IG, gantihan na yarn!?
Ang nakaka-curious lang din ay ‘yung kay Sam na alam naman ng marami ay super close sila ni Moira at halos magkapatid na nga ang turingan nila sa isa’t-isa.
Kahit hindi naka-follow si Sam sa official IG page ni Moira ay nakita naman namin na following pa rin siya sa isa pang account ng dalaga na ang username ay @moiraslion na kung saan ay bida ang kanyang furbabies.
Anyway, narito ang ilan sa mga nabasa naming tweet kaugnay sa kumakalat na isyu at iba-iba ang naging reaksyon ng netizens:
“Kala ko mga close ni Moira silang lahat? Anyare gurl”
“BFF niya si Sam dba? Wait, ang problema ata yung bagong BF ni Moira. Bad influence daw, manipulative.”
“I think there’s a valid reason why they unfollowed her. Dekada na yan sina Sam, Erik, at Yeng never naman yan sila nagkaroon ng kaaway sa industry. So i think, may reason talaga yan.”
“Baka siya mismo nag-remove sa pag-follow sa kanya ng co-artists niya kasi possible yun.”
“There is always a two sides of story stop judging someone lalo na kung hindi naman kayo close.”

PHOTO: Screengrab from X
Magugunita noong Disyembre nang chinika ni Ogie sa “Showbiz Update” na niligwak na si Moira sa Cornerstone dahil sa attitude problem nito.
“So ang mga nakarating sa ating mga chika, una, may attitude raw noon pa si Moira. Pangalawa, nagde-demand raw si Moira [sa management] ng ‘Anong plano n’yo sa akin. Ano bang mga gagawin ko pa?’ Lately, wala na tayong nababalitaan mga pinasikat pang awitin ni Moira,” sey ng showbiz insider.
“So ‘yung pag-a-attitude raw ni Moira ay malaking factor para mag-decide raw ang Cornerstone na siya ay bitawan na. Totoo ba yan?” tanong pa ni Ogie.
Samantala, bukas ang BANDERA kina Moira, Sam, at ilang singers na nabanggit upang magbigay-linaw sa kumakalat na chismis na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.