Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada? | Bandera

Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?

Alex Brosas |April 05,2023
facebook
share this

Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?

Alex Brosas - April 05, 2023 - 06:51 AM

Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?

Vice Ganda

PAHULAAN kung sino ang tinutukoy ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na best friend niyang in-unfollow siya sa social media.

Hindi nagbigay ng clue si Vice Ganda when asked recently sa kanilang noontime show kung sino ang best friend niya.

At the middle of the chikahan nina Kim Chiu, Vhong Navarro and Makati City 1st District Councilor Jhong Hilario ay nagtanong ang una kay Vice Ganda ng, “Ikaw, ikaw, sino’ng bestfriend mo?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sumagot naman si Vice Ganda kaya lang intriguing ang kanyang answer,
“’Di ko na alam kasi alam ko best friend ko siya pero in-unfollow niya ‘ko. Nagtaka ako in-unfollow niya ako,” say ni  Vice habang tumatawa.

With this, biglang nagtanong si Vice Ganda kay Vhong, “Ikaw rin ‘di ba in-unfollow nya?!”

Instant ang sagot ni Vhong who said, “Oo, parehas tayo”.

Baka Bet Mo: JK Labajo, Maureen Wroblewitz in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Hindi naman nagpahuli si Jhong who said, “Ay, parang alam ko na kung sino ‘to.”

For the netizens, wala nang kailangang ibigay na clue. Ang feeling nila ay si Toni Gonzaga-Soriano ang best friend ni Vice Ganda na in-unfollow siya sa social media.

Kung true ito, aba nakakaloka nga dahil alam ng marami na magkaibigan sila.

At kung true rin na in-unfollow niya si Vhong ay nakakagulat din dahil naging leading lady ni Vhong si Toni sa ilang movies at nagkasama pa  ang dalawa sa gag show na “Wazzup Wazzup.”

True ba ito, Toni? Pakisagot nga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Anyway, nag-react ang netizens sa isang Facebook account tungkol sa pag-unfollow  kay Vice Ganda ng sinasabing best friend niya.

May iba-iba silang hula pero mas marami ang nagsabi na si Toni Gonzaga ang friend ng “It’s Showtime host na nag-unfollow.

“Nope. Naka-follow pa sila sa isa’t isa. @praybeytbenjamin username ni Vice sa ig,” say ng isang fan.

“Baka si karla haha charot charot lang,” say ng isa pang faney.

“Toni Gonzaga yan kasi lahat in-unfollow ni Toni G,” paniwala naman ng supporter ni Vice Ganda.

Herlene Budol may 2 bagong teleserye na sa GMA, may pelikula pa; sino nga kaya ang mapipiling leading man?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tom Rodriguez in-unfollow ulit si Carla Abellana sa Instagram, nagtanggal na rin ng picture?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending