Herlene Budol may 2 bagong teleserye na sa GMA, may pelikula pa; sino nga kaya ang mapipiling leading man? | Bandera

Herlene Budol may 2 bagong teleserye na sa GMA, may pelikula pa; sino nga kaya ang mapipiling leading man?

Ervin Santiago |September 27,2022
facebook
share this

Herlene Budol may 2 bagong teleserye na sa GMA, may pelikula pa; sino nga kaya ang mapipiling leading man?

Ervin Santiago - September 27, 2022 - 08:25 AM

Herlene Budol at Alden Richards

KAHIT sino ang mapili ng GMA 7 na maging leading man niya sa mga susunod niyang proyekto ay okay na okay kay Herlene Budol.

May gagawing dalawang TV series ang comedienne-beauty queen sa Kapuso Network at isang bonggang pelikula na siya talaga ang bibida.

Ayon sa dalaga, “Happy po ako at ita-try po nilang pagkatiwalaan ako pagdating po sa pag-akting. At ibibigay ko po sa lahat ng ginagawa ko yung best ko para hindi po talaga sila magsisi.”

Sa pagkakaalam namin, wala pang  napipili ang mga bossing ng GMA para maging leading man ni Herlene sa pagbibidahan niyang afternoon drama series.

Matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards pero mukhang imposible raw na matupad ito very soon dahil may mga gagawin nang ibang projects ang aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Pero kung kami ang tatanungin, sana si Alden nga ang mapiling leading man ni Herlene sa gagawin niyang serye para maiba naman. Siguradong marami ang maku-curious sakaling magtambal nga ang dalawa sa isang proyekto.

Kayo dear BANDERA readers, payag ba kayong makatambal ni Alden si Hipon Girl? O, sino sa mga Kapuso leading man ang gusto n’yong i-partner sa kanya?

Natanong si Herlene kung sino ba sa mga Kapuso star ang nais niyang makatambal, “Wala. Para sa akin, kung sino na lang yung ibigay kasi. Pero hindi naman po ako choosy kung ako ang mamimili.”

Kasunod nito, nabanggit nga ang pangalan ni Buboy Villar na nakasama niya sa Kapuso mini-series na “False Positive” na pinagbidahan nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

“Uy, malay niyo! Pero, kung ano lang po ang ibigay sa akin, go pa rin ako du’n. Kahit nga si Buboy ang ibigay sa akin, palag-palag pa rin!”

Mga sikat na Kapuso stars daw ang makakasama ni Herlene sa gagawin niyang serye sa GMA at baka magsisimula na silang mag-taping ngayong Oktubre.

“Sabi naman talaga nila (GMA executives), e, at ikinagagalak ko yun siyempre. Sino ba naman ang hindi matutuwa, isang baguhan, isasama mo sa mga beterano.

“E, di jackpot ka nu’n bilang kaka-start ko pa lang po. Ayun nga po, kagaya ng sinabi ko kanina, gagawin ko po yung best ko para ikatuwa po nila at makaulit tayo ng maraming beses,” sabi pa ni Hipon Girl.

Samantala, natanong din si Herlene tungkol sa offer daw sa kanya ng bagong TV Network na ALLTV (AMBS2) na pag-aari ng pamilya ni dating Sen. Manny Villar kung saan isa sa mga executives si Willie Revillame na nagbigay sa kanya ng chance para makapasok sa showbiz.

Mukhang pinag-aagawan daw siya ngayon ng mga producer, “Hindi naman po. Siguro…ano bang magandang sabihin du’n? Siguro, an lang blessed lang din po siguro. Suwerte, ayan,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa ng TV host, “Actually, hindi siya masarap sa feeling. Kasi, mahal ko sila parehas. So, ahhm, hindi ko rin alam kung ano ang magiging plano.

“Kaya abang-abang na lang din po tayo. Kasi, nakakaipit din po sa sitwasyon po,” aniya.

E, paano kung si Willie na mismo ang kumumbinsi sa kanya na magtrabaho sa ALLTV? “God’s will pa rin po ‘yan. Kung ano po yung ibinigay na lang po sa akin para… safe po yung sagot ko.

“May manager po kasi ako ngayon. Kung ano po ang sabihin ni Sir Wilbert (Tolentino) du’n na lang din po ako susunod. Dahil siyempre, sa ngayon, under niya po ako talaga at siya po ang gumagabay sa akin.

“At ang kapal naman ng mukha ko kung hindi ko susundin yun. Andami nang ibinigay sa akin nu’ng tao, bahay at lupa, ano pa ang hahanapin ko, di ba?” katwiran ni Herlene.

Samantala, bukod sa mga nabanggit na proyekto ni Hipon, nakatakda rin siyang lumaban sa Miss Planet International sa darating Nobyembre 19 na gaganapin sa Uganda.
https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304563/herlene-budol-hindi-kumita-sa-mga-naunang-vlogs-nakakalungkot-lang-isipin-kasi-kahit-kani-kanino-ako-nagtiwala
https://bandera.inquirer.net/281396/bea-nilaglag-ng-ina-at-kapatid-tanga-raw-sa-pag-ibig-lampa-burara-sa-gamit
https://bandera.inquirer.net/314531/angeli-khang-na-shock-sa-balitang-buntis-daw-ang-kaibigang-sexy-star-umaming-3-ang-manliligaw-ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending