Tom Rodriguez in-unfollow ulit si Carla Abellana sa Instagram, nagtanggal na rin ng picture? | Bandera

Tom Rodriguez in-unfollow ulit si Carla Abellana sa Instagram, nagtanggal na rin ng picture?

Therese Arceo |June 03,2022
facebook
share this

Tom Rodriguez in-unfollow ulit si Carla Abellana sa Instagram, nagtanggal na rin ng picture?

Therese Arceo - June 03, 2022 - 02:37 PM

Tom Rodriguez in-unfollow ulit si Carla Abellana sa Instagram, nagtanggal na rin ng picture?

MULI na namang in-unfollow ni Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang kanyang estranged wife na si Carla Abellana sa Instagram.

Buhat nang magbalik ito noong June 1 mula sa pansamantala nitong pagpapahinga sa social media ay talaga namang bongga agad ang naging pasabog nito sa madlang pipol.

Una na naming nasulat sa Bandera ang naging cryptic post ni Tom kung saan makikita ang larawan ng dalawang kamay na tila nakawala mula sa pagkakatali sa kadena.

At dahil nga na-curious ang mga tao sa kanyang naging post matapos ang ilang linggong pananahimik ay binusisi na ng mga netizens ang kanyang account.

Dito ay makikitang muli na namang wala sa following list ni Tom ang asawa nitong si Carla Abellana habang nananatili namang naka-follow ang huli sa kanya.

Wala na rin ang mga larawan nila ng asawa sa kanyang account maging ang larawan noong ikinasal sila ay hindi na makikita sa account ni Tom.

Matatandaang una ring pumutok ang chika patungkol sa diumano’y paghihiwalay ng dalawang Kapuso stars nang mamataan ng netizens na naka-unfollow ang dalawa sa isa’t isa noong January 2022.

At matapos ngang mapabalita ay muli na namang nag-follow sa isa’t isa sina Tom at Carla pero naging matinik na ang netizens at patuloy na sinundan ang dalawa dahil mukhang “on the rocks” na ang relasyon nito matapos ang halos tatlong buwan buhat nang magpakasal sila noong Oktubre 2021.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

 

Naging tahimik ang dalawa ukol sa isyu pero nitong Marso lang nang aminin ng ama ni Carla ang tunay na estado ng relasyon nila ni Tom.

Ayon kay Rey PJ Abellana, natukso raw ang Kapuso actor na naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng problema ng anak.

Sinabi rin nito na nagkaroon ng one-night stand si Tom at hindi raw ito natanggap ng kanyang anak kaya nakipaghiwalay ito.

Pero ang latest chika nga ay naghahanda na rin daw ang Kapuso actress ng mga papeled para sa annulment ng kasal nila ng aktor na naging dyowa niya ng 7 years bago pa sila magpakasal.

Wala pa namang pahayag si Carla hinggil sa mga isyu kaugnay ang asawang si Tom Rodriguez.

Mananatili namang bukas ang Bandera para sa panig nina Carla at Tom ukol sa kinakaharap na kontrobersya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Carla Abellana naghahanda na sa pagpa-file ng annulment; Tom Rodriguez hugot na hugot sa breakup

#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa’t isa, naghiwalay na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending