#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa't isa, naghiwalay na nga ba? | Bandera

#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa’t isa, naghiwalay na nga ba?

Reggee Bonoan |January 25,2022
facebook
share this

#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa’t isa, naghiwalay na nga ba?

Reggee Bonoan - January 25, 2022 - 07:11 PM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

VIRAL ngayon ang pag-unfollow ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana sa isa’t isa sa Instagram kaya naman ang tanong ng netizens — may matindi ba silang problema?

Kaninang 4:15 p.m. ay nag-tweet si @SheiMaeFavila ng, “Break na Tom Rodriguez and Carla Abellana? Diba kakasal lang nila?”

At nabuking nga na hindi na pina-follow nina Tom at Carla ang isa’t isa sa kani-kanilang IG account.

Tsinek namin ang IG account ng aktor (@akosimangtomas) at may ipinost nga siya 16 hours ago na isang video na may nakasulat na float at ipinakita ang larawan nila noong ikinasal sila ni Carla na tinig lang ng babae ang maririnig, “Now you’re leaving just like that? Why you need to go?  Where are you going?”

Sumagot ang tinig ng lalaki, “I’m going to find real life, real life.”

At tsinek namin ang mga komentong nabasa namin na tila may pinagdaraanan nga ang relasyon ng mag-asawa.

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)


Sabi ni @herminiareyes, “We love you Carla and Tom, praying for you endless love and happiness to you both. I’m happy coz your Ig account back again.”

Sabi ni @mistranzabeli, “Be strong, kaya n’yo yan pagsubok lang yan.”

Huwag daw susuko si Tom, sabi ni @mistranzabeli, “Fight Tom don’t give up God is good.”

At dito nga kinumpirma ng netizen na si @maribelandulan na hindi nga maganda ang estado ng pagsasama ng dalawa.

“Hi Tom and Carla…wala susuko sa inyo dalawa, kaya ninyo yan kahit anu pa ang inyo pagdanan. Alam nmin kasama ninyo lagi ang Diyos sa inyo pagsasama. Hangad namin lahat n lgi lgi kyo safe at makarating kayo sa inyo mga pangarap na buhay. Marami po kmi mga fans ninyo na humahanga at nagdarasal para sa inyo.

“Bagamat ako isa sa bago ninyong fans natutuwa ako parati ko kyo nkkita at nppanuos sa yutube at sainyo mga social accounts sana po pareho kyo hindi magbago hanggang sa inyo pagtanda!

“Love po nmin kyo..dhil isa po kyo huwaran..at tlga o mrami kmi ntutunan sa inyo love story..si tom very sweet at si carla humble at kind at tlga po sobra ako ntutuwa sa inyo dlwa.

“Hindi po kompleto ang araw ko kpg di ko po kyo nkkita..sa totoo lng po mdmi kyo picture na nka save sa gallery ng celfon at sa facebook ko po…cge po tom and carla ingat po paagi..at sana po more updates pa po at more vlogs pa po kyo dlwa ni carla..Godbess always po!!!”

Say naman ni @tomcar_mott23, “Keep the faith Daddy! You two are always in our prayers. Everything will be okay po.”

Tanong ni @belle_tinkerbling, “Havent heard from you lately… hoping your married life is okay…just hold on together ngayon pa na dalawa na kayo harapin ang mga test and trials nag umpisa palang kayo.”

Samantala, si Carla naman ay nasa isang resort three days ago base sa kanyang selfie photo sa IG na may caption na, “Where my mind is right now.”

Nagtanong naman ang netizen na si@randudas sa kanya, “Asan po c husband Tom?”

Wala kaming nabasang sagot mula sa aktres at wala ring nag-follow up sa tanong ng netizen.

Tsinek namin ang YouTube channel ni Carla at ang huling post niya ay noong Enero 5, 2022 kung daan dumalo sila ng post Chrismas party ng mga kaibigan nila.

At si Tom naman ay noong December, 2021 pa ang huling post sa YT.

Ayon naman sa TomCar fan na si Jayco Manangan TV sa YT ay ikinuwentong December pa hindi okay ang mag-asawa at hindi rin sila magkasama sa pagdiriwang Pasko at Bagong Taon.

Kinumpirma nitong si Jayco na ngayong araw, Martes ay in-unfollow na nga nina Tom at Carla ang isa’t isa sa IG.

Nabanggit pa na nagpa-tattoo ng heart si Carla sa likod ng kaliwang tenga nito na ipinakita sa video at si Tom ay nasa isang event earlier today having lunch kasama ang ilang kakilala.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Carla at Tom hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending