Carla Abellana naghahanda na sa pagpa-file ng annulment; Tom Rodriguez hugot na hugot sa breakup | Bandera

Carla Abellana naghahanda na sa pagpa-file ng annulment; Tom Rodriguez hugot na hugot sa breakup

Ervin Santiago |June 02,2022
facebook
share this

Carla Abellana naghahanda na sa pagpa-file ng annulment; Tom Rodriguez hugot na hugot sa breakup

Ervin Santiago - June 02, 2022 - 09:06 AM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

MUKHANG totohanan na nga ang pagsasampa ng annulment case ni Carla Abellana para mapawalang-bisa na ang kasal nila ni Tom Rodriguez.

Kalat na kalat na ang chika na inihahanda na ng Kapuso actress ang lahat ng mga dokumentong kakailanganin niya sa pagpa-file ng annulment.

At mas umingay pa ang balitang ito nang mag-post si Tom sa Instagram ng isang imahe na may koneksyon sa paghihiwalay.

Ilang buwan nang deactivated ang Instagram account ng Kapuso actor pero kahapon, June 1, ni-reactivate niya ito uli para lamang ibahagi ang litrato ng dalawang kamay na nakawala sa gapos ng kadena.

Ang paniwala ng kanyang followers, may kinalaman nga ito sa plano ni Carla na ipawalang-bisang na ang kasal nila.

Nauna rito, nabanggit na rin ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang YouTube show na “Showbiz Now Na” ang tungkol sa annulment case.

“Si Carla Abellana pala nagpapahanda na ng dokumento ng annulment.

“At tayo nga ay binigla. Pagka-kasal, tatlong buwan pa lang naghiwalay na. Di ba nakakalula yun, a,” pahayag ng award-winning entertainment columnist at radio-TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Aniya pa, may ipinatatayo na raw sariling bahay si Carla habang naghihintay pa rin ng magiging buyer ng condo unit niya sa Pasig.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng official statement  sina Tom at Carla tungkol sa kanilang paghihiwalay. Tanging ang tatay lamang ng Kapuso actress na si Rey PJ Abellana ang nagkumpirma hinggil dito.

Sa panayam din ni Nanay Cristy kay PJ, nabanggit nitong may naka-one-night stand umano si Tom na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carla.

“Nay, honestly speaking, hindi po natin maku-consider na third party, e, ang sitwasyon. Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e. So, hindi natin kinu-consider yun na third party.

“Inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, ako, way back, nangyayari din po ‘yan sa akin. E, medyo normal na ‘yan sa buhay ng mga lalaki.

“E, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan, e, di po ba?” pahayag ng veteran actor.

Ngunit sa panayam ng “24 Oras” kay PJ, biglang nitong binawi ang kanyang pahayag, “At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.

“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun.

“So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman.

“So, yun po yung scenario ng issue na one-night stand. Napa-shortcut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, na napag-isipan ng masama,” paglilinaw pa niya.

Aniya pa, nagalit daw si Carla sa kanya ng dahil sa one-night stand issue, “She was mad, she was questioning me why I came up that way.

“Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli,” pahayag pa niya.

Nagpakasal sina Carla at Tom sa Tagaytay noong Oct. 23, 2021, pero after three months nga bumandera ang balitang naghiwalay na sila.

https://bandera.inquirer.net/309006/instagram-account-ni-tom-rodriguez-di-na-mahagilap-nag-deactivate-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/293941/carla-sa-nalalapit-na-kasal-nila-ni-tom-may-mga-times-na-nakakatakot-pero

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296118/carla-abellana-tom-rodriguez-ikinasal-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending