JK Labajo, Maureen Wroblewitz in-unfollow ang isa't isa sa Instagram | Bandera

JK Labajo, Maureen Wroblewitz in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Therese Arceo |November 16,2022
facebook
share this

JK Labajo, Maureen Wroblewitz in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Therese Arceo - November 16, 2022 - 08:49 PM

JK Labajo, Maureen Wroblewitz in-unfollow ang isa't isa sa Instagram

MUKHANG imposible na ngang magkaroon ng “comeback” sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Juan Karlos o si JK Labajo at Maureen Wroblewitz.

Tuluyan na kasi nilang in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram matapos ang kanilang anunsyo noong June 2022 kung saan mutual decision ang kanilang naging paghihiwalay.

Pagbabahagi nga ni JK noon, “Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.”

Ngunit tila kahit ang pagiging “matalik na kaibigan” ay wala na rin ngayong in-unfollow na nina JK at Maureen ang isa’t isa.

Anyways, nagsimulang ma-curious ang mga netizens sa pagitan ng dalawa matapos mag-trending ang Instagram story ng Miss Universe Philippines 2021 1st runner up kasama ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at ang tila pagpapatama ng singer-songwriter sa bago nitong post.

“‘Yung tipong mamahalin mo parin siya kahit di ka niya mahal,” saad ni JK sa kanyang caption kalakip ang kanyang larawan habang yakap ang isang pusa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by juan karlos (@juankarlos)

Samantala, hindi naman malinaw kung kailan nga ba nila in-unfollow ang isa’t isa dahil ngayon lang naman ito napabalita kasabay ang pagkalat ng chika na tila may bago nang nagpapasaya sa puso ni Maureen.

Anyways, nitong Oktubre 22 lang nang maikuwento ni JK sa isang panayam na wala naman siyang magagawa sakaling magkaroon na ng bagong karelasyon ang ex-girlfriend.

Aniya, “Of course, that’s her life, that’s her decision to make. I mean, we’re mature individuals.”

Related Chika:
JK nangampanya para kay Maureen sa Miss Universe PH 2021: Panget po yung mga hindi susuporta sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May bago na nga bang nagpapatibok sa puso ni JK Labajo?

JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan…

JK Labajo may patutsada nga ba sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending