JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan... Bandera

JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan…

Therese Arceo |December 07,2021
share this

JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan…

Therese Arceo December 07, 2021 - 08:47 PM

JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan...

MARAMI ang naaliw sa actor, singer, at songwriter na si Juan Karlos “JK” Labajo dahil sa kanyang naging comment patungkol kay Dingdong Dantes.

Nag-comment kasi ang binata sa isang article ng BANDERA tungkol sa mag-asawang sin Dingdong Dantes at Marian Rivera na may kuneksyon sa pagiging isa sa mga judges ni Marian sa 70th Miss Universe na gaganapin sa Eilat, Israel.

Sa nasabing article ay nabanggit ang sinabi ni Dingdong kay Marian sa kanyang Instagram post.

“Sabi nga ng bandang Hotdog, ‘Malinaw na malinaw, ngayon at ano mang araw, ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.’ Naaaaks!

“Always proud of you, @marianrivera!” saad ni Dingdong.

Comment ni JK, “Sir linya ko po yan.”

Matatandaang may isang post si Juan Karlos patungkol sa kanyang longtime girlfriend na si Maureen Wroblewitz kung saan ginamit rin nito ang parehang linya.

“Congratulations Ms. Pangasinan!!! Ikaw pa rin ang Ms Universe ko,” saad ni JK nang hindi pinalad ang dyowa na makamit ang korona bilang 2021 Miss Universe Philippines.

Agad naman itong napansin ng mga mga netizens at imbes na mainis ay mas naaliw pa ang mga ito sa binata. Umabot pa nga ng 25,000 haha reacts ang kanyang comment.

“Hawakan mo nga tenga ni Dingdong,” pabirong saad ng isang netizen.

“Maureen, jowa mo ang kalay pakikuha ems,” sabi naman ng isang netizen.

“Dapat ba lods may proper citation?” birong tanong ng isang netizen.

“Kung saan saan ka na lang talaga nagkakalat jk,” hirit pa ng isang netizen.

Hindi lang ito ang unang beses na nag-viral si JK dahil sa mga comment nito.

Kamakailan lang ay nag-comment rin ito sa isa pang naisulat namin dito sa Bandera patungkol kina Cristy Fermin at Nadine Lustre na gumawa ng ingat at agad na nag-viral sa social media.

Related Chika:
JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko
Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending