Dia Maté nagpasiklab sa bagong single, love letter para kay JK Labajo?
HABANG abala sa paghahanda para sa nalalapit na Reina Hispanoamericana 2025, inilabas ng Pinay singer-songwriter na si Dia Maté ang kanyang pinakabagong single.
Pinamagatan itong “Ikaw ang Pinili Ko” na mapapakinggan na sa lahat ng streaming platforms.
Ayon sa isang pahayag, ang bagong kanta ay personal na love letter ni Dia sa kanyang real-life “pinili” na katulad niya ay may malaking hilig sa musika.
Para sa mga hindi aware, ang boyfriend ng dalaga ay ang singer-actor na si JK Labajo.
Sa pamamagitan ng bagong single, ibinahagi ng beauty queen ang journey niya mula sa takot at pagkalito hanggang sa pagpapakawala sa sarili upang sundin ang tinig ng puso.
Baka Bet Mo: OPM musician Dia Maté proud na proud maging pambato ng Cavite sa MUPH 2024
Ang bawat linya ng kanta ay tila sumasalamin sa tamis ng tamang pag-ibig, kung saan napapatunayan niyang mas nagiging maganda ang buhay kapag nasa tamang tao ka.
Hango sa “doo-wop” at musika ng mga global artists tulad nina Dua Lipa at Sabrina Carpenter, pinaresan ni Dia ng modernong Manila sound ang kanyang awitin.
Sa kanyang signature style bilang isang main pop girl, nagawa niyang balansehin ang masayang tunog at taos-pusong lyrics upang makabuo ng isang kantang kayang sabayan sa kahit anong mood.
Dahik ayon kay Dia, ang kanta ay hindi lang para sa kanyang mahal, kundi pati na rin sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.
Habang dala niya ang bandila ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana, layon din ni Dia na ipakilala ang Original Pilipino Music (OPM) sa Latin America.
Bukod sa bagong single, narito ang mga exciting na kaganapan ni Dia:
January 20 – Pag-alis patungong Bolivia upang irepresenta ang Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2025 pageant.
February 9 – Grand Coronation Night ng nasabing international pageant.
February 14 – Release ng official music video ng “Ikaw ang Pinili Ko” tampok sina Dia at Juan Karlos.
Abangan ang mas marami pang updates mula kay Dia Maté habang pinaplano niya ang paglabas ng kanyang debut album ngayong 2025.
Samantala, huwag palampasin ang pagkakataong pakinggan ang “Ikaw ang Pinili Ko” sa lahat ng streaming platforms!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.