Dia pak na pak sa ‘Ganda Gandahan’: New Pinay main pop girl!

Dia Maté pak na pak sa ‘Ganda Gandahan’: ‘New era, new Pinay main pop girl!’

Pauline del Rosario - November 14, 2024 - 02:32 PM

Dia Maté pak na pak sa ‘Ganda Gandahan’: ‘New era, new Pinay main pop girl!’

PHOTO: Courtesy of Radical Music Inc.

BAGO lumaban sa international stage next year, naglabas ng bagong single ang singer-songwriter at beauty queen na si Dia Maté.

Ito ang “Ganda Gandahan,” na mapapakinggan na sa lahat ng streaming platforms at ang lead single para sa upcoming debut album niya.

Ayon kay Dia, ang bagong kanta ay bumabandera sa pagiging “unique” at kakaiba ng bawat isa.

Ipinapakita rin ng beauty queen-singer sa latest single ang isang “fresh start” at bagong side ng kanyang musika na mas masaya, mas magaan at ready to slay!

Ito ay malayong-malayo sa nakasanayan nating pagiging “sad girl” vibes niya.

Baka Bet Mo: JK proud sa pagkapanalo ni Dia Maté sa Miss World PH, may pa-kiss pa

Sabi ni Dia sa isang pahayag, ito ‘yung panahon na gusto niyang gawing light and fun ang bawat sandali.

Puno, aniya, raw siya ng kumpiyansa at ito ay maririnig mismo sa kanyang mga ilalabas pang mga kanta.

Naikwento rin ni Dia na nag-iba ang pagtingin niya sa sarili mula nang maging aktibo siya sa beauty pageant, lalo na nang makuha niya ang korona at titulo ng Reina Hispanoamericana Filipinas 2024.

Matapos kumawala sa dating label, hands-on na siya sa sarili niyang karera bilang isang independent artist at isa sa mga naging layunin niya ay itaguyod ang ballroom community sa Pilipinas.

“I aim to give the audience a three-minute experience where they feel the euphoria of self-love and I feel like I feel that way the most when I walk the balls which is why I wanted to bring my sisters for this project,” sey niya.

Dagdag pa niya, “There is so much love, celebration, and talent in the ballroom scene here in the Philippines, and I wanted to showcase that in this track.”

Ibinunyag din ng beauty queen na upang matiyak na “main pop girl” worthy ang kanyang performance, ilang buwan daw siyang nag-training kasama ang ballroom girls.

Nang tanungin naman siya kung bakit “Ganda Gandahan” ang first track niya sa upcoming album, ang sagot niya: “It encapsulates me blossoming into the woman that little Dia has always wanted to become. I see it as the best fitting track to kick off my new era, and after this album, I am for sure going to be your new favorite Filipina pop girl.”

Kasunod niyan, maglalabas ulit si Dia ng bagong single sa January 17 next year –ito ang kantang “Boyfriend.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagdating naman ng January 20, lilipad na siya patungong Bolivia upang sumabak sa Reina Hispanoamericana 2024 pageant.

Ang coronation night ng international competition ay sa February 9, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending