JK, Miss Universe PH Cavite 2024 nagpalitan ng 'I love you'

Juan Karlos, Miss Universe PH Cavite 2024 nagpalitan ng ‘I love you’

Ervin Santiago |February 07,2024
facebook
share this

Juan Karlos, Miss Universe PH Cavite 2024 nagpalitan ng ‘I love you’

Ervin Santiago - February 07, 2024 - 10:57 AM

Juan Karlos, Miss Universe PH Cavite 2024 nagpalitan ng 'I love you'

Juan Karlos at Dia Maté

HINDI man diretsahang aminin ng Kapamilya singer-actor na si JK Labajo, mukhang super happy na siya uli sa kanyang lovelife.

Feeling ng mga supporters ni JK,  nakahanap na siya ng bagong babaeng pag-aalayan ng kanyang pag-ibig at mga isinusulat niyang mga kanta.

Kinakiligan ng mga netizens ang palitan nila ng mensahe ng kanyang rumored girlfriend, ang itinanghal na Miss Universe Philippines-Cavite 2024 at singer-songwriter na si Dia Maté.

Nag-post kasi ang beauty queen sa Instagram ng birthday greeting para kay JK na nag-celebrate ng ika-23 kaarawan nitong nagdaang Lunes, February 5.

Baka Bet Mo: JK Labajo hinding-hindi magpapadirek kay Darryl Yap: ‘I don’t want to work with him’

Sa photo na ibinahagi ni Dia sa kanyang IG page ay makikita si Juan Karlos na nakasalampak sa sahig ng isang art museum.

Ang nakasaad sa caption ng IG post ni Dia para sa “Buwan” at “Ere” hitmaker, “To my light and happiness, Happy birthday love (red heart emoji).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by juan karlos (@juankarlos)


“May you receive everything you deserve in this lifetime.

“I love you!” ang buong mensahe ng singer at beauty queen.

Baka Bet Mo: JK Labajo inalok ng ‘shot puno’ ng netizens, may patutsada: Ang universe nga naman

Ni-repost naman ito ni JK sa kanyang IG Story kung saan mababasa ang text caption na, “Love you bb!!! (smiling face wih heart emojis at red heart emoji).”

Ito ang unang pagkakataon na nagpalitan ng “I love you” ang rumored  couple sa social media kaya ang feeling ng kanilang mga tagasuporta, “Instagram official” na ang kanilang relasyon.

Kamakailan, spotted na magkasama sina JK at Dia sa isang event kung saan nakasama rin nila ang kapwa singer-songwriters na sina Moira dela Torre at Kyle Echarri.

Unang pumutok ang tungkol sa relasyon umano ng dalawang OPM artist noong April, 2023, nang kumalat ang kanilang TikTok video na in-upload mismo ng beauty queen.

Isa pang video nina JK at Dia ang nag-viral sa TikTok kung saan mapapanood silang nagsasayaw gamit ang kantang “Cupid” ng K-pop girl group na Fifty Fifty.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling nakarelasyon ni JK ay ang beauty queen ding si Maureen Wroblewitz na masaya na rin ngayon sa piling ng dyowa niyang model at medical student na si Noah Steinbuch.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending