JK Labajo naantig ang puso sa mensahe ng faney na cabin crew
HINDI napigilan ng singer-actor na si JK Labajo na ibandera ang nakakaantig na mensaheng natanggap mula sa isang faney na cabin crew.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, in-upload niya ang naturang mensahe sa kanya ng tagahanga.
Makikitang nakasulat pa nga sa isang tissue paper ang naturang mensahe ng cabin crew kay JK.
“Minahal kita nang hindi mo kailangan.
“One of the many lines na tumatak sakin, napaka-solid mo, JK!” umpisa ng tagahanga.
Hiling ng cabin crew, huwag sanang tumigil ang binata sa paggawa ng mga kanta.
Baka Bet Mo: JK Labajo inalok ng ‘shot puno’ ng netizens, may patutsada: Ang universe nga naman
View this post on Instagram
“Isa kang malupit na artist… hindi lang basta celebrity, pero tunay na alagad ng sining kaya sana, wag kang mapagod sa paglikha!” sey ng netizen kay JK.
Hirit pa niya, “Para sa bayan, sining, at pag-ibig!”
Maging ang iba pang mga tagahanga ni JK ay napa-comment sa kanyang tweet.
“Your voice captivated my heart. Will always support you and your music. Balik nag cebu kay hearing you sing live has a very special place in my heart. [heart emoji] It’s a feeling I can’t explain through words but can only be felt,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “JK, reading this makes me so happy. I’m so happy you stood your ground to be the artist that you are. Took no shortcuts and slowly but surely got there. All organic, pure talent. Mapapagod pero wag susuko! mabuhay ka.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.