JK Labajo hinamon ng suntukan si Richard Gutierrez sa ABS-CBN Ball?

JK Labajo hinamon ng suntukan si Richard Gutierrez sa ABS-CBN Ball?

Ervin Santiago - April 08, 2025 - 07:49 PM

JK Labajo hinamon ng suntukan si Richard Gutierrez sa ABS-CBN Ball?

Kyle Echarri, Daniel Padilla, Richard Gutierrez, at JK Labajo

IBA’T IBANG version na ang naglalabasan tungkol sa umano’y nangyaring insidente sa after-party ng ABS-CBN Ball 2025 last Friday, April 4.

Expected na namin ang pagkalat ng kung anu-anong kuwento sa sinasabing pagsusuntukan daw nina Daniel Padilla at Kyle Echarri sa naturang event nang dahil kay Kathryn Bernardo.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagsasalita ang mga taong involved sa insidente kaya naman kanya-kanyang haka-haka ang naglalabasan sa social media.

May chika naman na muntikan lang daw magkasapakan ang dalawang Kapamilya star sa party ng ABS-CBN na ginanap sa Solaire North dahil hindi umano nagustuhan ni DJ ang pagiging touchy ni Kyle sa ex-girlfriend niyang si Kathryn.

Baka Bet Mo: JK Labajo nag-alay ng kanta sa fan na namatay sa sunog, bumisita rin sa burol

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagkainitan daw sina Daniel at Kyle hanggang sa umawat naman daw sa kanila sina JK Labajo at Richard Gutierrez.

Pero iba naman ang nakarating na kuwento sa veteran entertain columnist at TV-radio host na si Nanay Cristy Fermin hinggil sa naganap na after-party ng ABS-CBN Ball.

Sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute”, ayon daw sa source ng beteranang host at manunulat, si Kyle raw ang unang lumapit kay Daniel na nananahimik lang daw sa kanyang kinaroroonan.

“Meron silang pinag-usapan na parang tumigas ‘yung salita nu’ng Kyle kay Daniel. Tahimik si Daniel, ha?” rebelasyon ni Nanay Cristy.

Dito na raw nadamay ang singer-songwriter at aktor na si JK Labajo pati na ang Kapamilya action star na si Richard Gutierrez.

“May umaali-aligid, si JK Labajo, si JK. Panguso-nguso na para bang, ‘Upakan mo na, upakan mo na!’ Parang ganu’n. Miron!

“Ang nangyari, nakita ni Richard Gutierrez ‘yung ginagawa ng dalawa kay Daniel na nananahimik. Anong inaasahan mo na gagawin ni Richard? Natural, aawat, ‘di ba?” ang pambubuking pa ng online host.

Patuloy pa ni Nanay Cristy, “Alam mong ginawa sa kanya ni JK Labajo? ‘Bakit ka nandito? Anong gusto mo?’ Ay! Hinamon ng suntukan. Ang tapang!

“Si Richard Gutierrez mga Kapatid, kailangan pa ba naming ilarawan sa inyo kung gaano kagaling sa action scenes itong si Richard Gutierrez?” aniya pa.

Naawat lang daw ang mga taong involved sa insidente nang dumating na ang mga security personnel ng hotel.

Pagkatapos nito, umakyat na sa Skybar (itaas ng Solaire) ang grupo nina Richard pati na si Piolo Pascual. Sumunod naman  sina Kyle at JK.

“Ang bilis daw ng pangyayari ayon sa aking source. Nakalusot ‘yung JK Labajo, lumapit kay Richard Gutierrez at kunwa-kunwaring nagso-sorry pero pangisi-ngisi. Hinamon ulit si Richard.

“O, di nakita niya ang gusto niyang makita, ‘di ba? O, nasapol siya sa may ulo, nasapol siya,” ang pahayag ni Nanay Cristy.

Isa pa sa nilinaw ni Nanay Cristy, hindi raw si Kathryn ang dahilan ng nangyaring insidente. Ang totoo raw, ni hindi hinanap ni Daniel kung nasaan si Kathryn sa naganap na ABS-CBN Ball.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa ring inilalabas na official statement ang ABS-CBN at Star Magic pati na ang talent management ng mga artistang sangkot sa isyu.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag o reaksiyon ng kampo nina Kyle, Daniel, JK at Richard sa kontrobersiyang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending