Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O'Brian, hirit ni Ogie Diaz: Baka feeling niya 'sana mas maganda-ganda naman sa akin' Bandera

Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O’Brian, hirit ni Ogie Diaz: Baka feeling niya ‘sana mas maganda-ganda naman sa akin’

Reggee Bonoan |January 25,2023
share this

Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O’Brian, hirit ni Ogie Diaz: Baka feeling niya ‘sana mas maganda-ganda naman sa akin’

Reggee Bonoan - January 25, 2023 - 08:24 AM
Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O'Brian, hirit ni Ogie: Baka feeling niya 'sana mas maganda-ganda sa akin'

Lee O’Brian at Pokwang

PINAG-USAPAN nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena sa kanilang “Showbiz Update” vlog si Mamang Pokwang na in-upload sa YouTube channel nila apat na oras ang nakararaan habang sinusulat namin ang balitang ito.

Ayon kay Ogie ay sanay naman daw ang komedyana na mag-isang nagpapalaki ng mga anak.

“Noon ko pa nakausap si mamang Pokie na okay na siya at sanay naman daw siyang nag-iisa dahil siyempre ‘yung panganay niyang anak na si Shing na namatay, iba rin ‘yung tatay ni Mae na wala na rin ‘yun, tapos iba rin ‘yung kay Malia.

“So, nasanay na siyang kayaning mag-isa ang mga anak pero hindi niya inaalisan ng karapatan si Papang Lee O’Brian na mahiram at makasama ang kanyang si Malia,” paliwanag ni Ogie tungkol sa kumareng si Pokwang.

Hirit ni Mrena, kung okay na talaga si mamang Pokie ay bakit affected siya nang malamang may iba nang nilalandi si papang Lee? At ipinost pa niya ito sa kanyang IG stories.

“Ahh, e, kahit naman si mamang Pokie ay puwede rin namang mag-entertain ng suitors,” sagot ni Ogie.

At nabanggit ni Mama Loi na nag-post si Pokwang sa kanyang IG stories na open ang “application.”
Ang post ng komedyana, ‘
“Hot 2023 na!!! Pwede na kayong mag-apply mga papa, san na kayo? Hahaha, bawal ang user ha or manga!!! Manggagamit.!!!”

“Salita lang ‘yan ni mareng Pokie, kilala ko ‘yan. Talagang para sa kanya, priority ko ang mga anak ko.  Hindi ang puso niya pagdating sa pag-ibig. Pero ‘yung sinasabi ni Mrena na bitter si mamang Pokie, siya lang ang makakasabi niyan kung bitter siya.

“Pero feeling ko sa pag-uusap namin, hindi! Gusto na nga rin niyang ma-in love sa iba si papang Lee para isang sign ng moving on ‘yun,” pahayag ng talent manager at content creator.

Say naman ni Mama Loi, baka hindi feel ni mamang Pokie ang bagong partner ni papang Lee kasi nag-post siya.

“Baka kasi feeling ni mamang Pokie nainsulto siya! Feeling niya ‘sana mas maganda-ganda sa akin.’ So, hindi natin alam at hindi rin natin puwedeng husgahan ‘yung new girl ni papang, di ba? Kasi wala naman tayong ideya (kung sino). Nagkaka-ideya lang tayo dahil sa mga hanash ni mamang Pokie.

“Anyway, ang importante ay bago na naman ‘yung produkto ni mamang Pokie kasi siya naman lahat ang may gawa, eh. Umpisa sa laing, tinapa gourmet, tuyo gourmet, sa Mamang Pokwang’s Gourmet (FB page). Uy, masarap ang laing ni mamang, in fairness,” pagmamalaki ni Ogie.

Tsinek namin ang FB page ng komedyana at sold out na ang kanyang tinapa gourmet at marami pang nagtatanong kung kailan ito magiging available.

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O’Brian at magpapakasal: ‘Ngek!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending