Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit 'di magsuklay maganda yan at wala ka nu'n PAKIALAMERA!' Bandera

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Ervin Santiago |January 18,2023
share this

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 05:08 PM
Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit 'di magsuklay maganda yan at wala ka nu'n PAKIALAMERA!'

Pokwang at Malia O’Brian

“BEAST mode” ang TV host-actress na si Pokwang matapos mabasa ang comment ng isang netizen tungkol sa anak nila ni Lee O’Brian na si Malia.

Talagang hindi pinalampas ng komedyana ang naging pahayag ng IG user na tila tinuturuan siya kung paano mapapanatiling maayos at malinis ang itsura ng bagets.

Nag-post kasi si Pokey sa kanyang Instagram account ng mga litrato ng anak na kuha sa mga kaganapan sa ginanap na 5th birthday celebration nito kahapon, January 18.

Ang caption ng, TiktoClock host sa kanyang IG post, “To my most beautiful blessing, happy, happy birthday my love [face blowing a kiss emoji] i love you so much my tisay @malia_obrian #happybirthdayMalia.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lee O’Brian (@leeobrian)


Nagbigay din ng mensahe ang dating partner ni Pokwang na si Lee O’Brian para sa kaarawan ng kanilang anak.

“Happiest of birthdays to you, my sweetheart @malia_obrian !!

“Wishing you a great day and it’s going to be a fun year ahead. I love you more than anything and I am SO proud of you!! Eat that cake!!! (praying hands, cake, heart emojis), aniya gamit ang mga hashtags na #HappyBirthday, #DaddysGirl #TisayBDay at #MissMalia.

Sa IG post ng American actor nag-comment ang netizen na pumuna sa itsura ni Malia. Sabi nito, dapat daw atly laging maiksi ang hair ng bata dahil hindi raw magandang tingnan kung hindi maayos ang pagkakasuklay nito.

“Young kids shoudn’t have a long hair especially if it’s not tidy/comb neatly,” sey ng basher.

Resbak naman sa kanya ni Pokwang, “Dami mong alam! birthday ng bata wag kang maraming alam kahit di mag suklay yan maganda yan at wala ka non PAKIALAMERA!!!”

Kasunod nito, kinuyog ng mga netizens ang basher at sinabihang huwag na huwag magkokomento ng negatibo kapag inosenteng bata na ang pinag-uusapan dahil wala pa itong kamalay-malay.

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O’Brian at magpapakasal: ‘Ngek!’

Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending