Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O'Brian at magpapakasal: 'Ngek!' Bandera

Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O’Brian at magpapakasal: ‘Ngek!’

Ervin Santiago |January 11,2023
share this

Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O’Brian at magpapakasal: ‘Ngek!’

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 07:56 AM
Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O'Brian kasunod ang kasal: 'Ngek!'

Lee O’Brian at Pokwang

SINAGOT ng Kapuso TV host-comedian na si Pokwang ang isang netizen na umaasa pa ring magkakabalikan sila ng ex-partner na si Lee O’Brian.

Sa naging reaksyon dito ng komedyana ay mukhang wala na ngang pag-asa na magkaroon ng “second chance” ang kanilang naunsyaming love story.

Komento ng mga netizens, hanggang sa co-parenting agreement na lang daw talaga ang relasyon nina Pokwang at Lee at imposible na ang balikan scene.

Kamakalawa, January 9, nagbahagi ang ex dyowa ni Pokey ng kanyang litrato sa Instagram kasama ang anak nila ni Pokwang na si Malia. Kuha ito habang nanonood sila ng Disney in Concert sa Solaire Resort, Parañaque City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lee O’Brian (@leeobrian)


Ang nakalagay sa caption, “Had a fun time on our Date Night to see The Disney In Concert show at Solaire.

“Miss Malia had a blast!! And they played all the hits!!” aniya pa gamit ang mga hashtag na #DaddyDaughterNight, #DisneyInConcert at #MissMalia.

Sa comments section ng IG post ni Lee ay may netizen nga ang nagsabing umaasa pa rin siya na magkakabalikan ang dating live-in partners.

“Wish you n pokwang will get together soon again, why don’t you marry her maybe that’s what she’s waiting for,” chika ng netizen.

Hindi naka-tag si Pokwang sa post ni Lee pero nabasa pa rin niya ang  naturang komento. Ang maikli ngunit makahulugang sagot ni Pokwang, “(zany face emojis) ngek!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Isang birong tugon pero ang interpretasyon ng mga followers nina Pokwang at Lee ay hindi na talaga makikipagbalikan ang komedyana sa Amerikanong aktor.

Tulad ng naging pahayag noon ni Pokwang, mas pagtutuunan na lamang nila ni Lee ang pagpapalaki at pag-aalaga kay Malia.

Matatandaang noong September 29, 2022 ay muling nagkasama ang ex couple sa 47th birthday ni Lee, patunay na nananatili pa rin silang magkaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

November, 2021 pa naghiwalay sina Pokwang at Lee pero last year lang nila inamin sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pakiusap ni Pokwang sa haters: Sana maunawaan n’yo, nanay din po ako at maraming umaasa sa akin

#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending