Anak ni Pokwang galit kay Lee O’Brian: Gusto n’ya ‘kong palayasin
TINANGKANG palayasin ng American actor na si Lee O’Brian ang anak ni Pokwang na si Mae nang mabuntis ito noong kasagsagan ng pandemya noong 2020.
Rebelasyon ni Mae Subong, galit na galit siya sa dating karelasyon ng kanyang pinakamamahal na ina dahil sa dami ng nagawa nitong kasalanan sa kanilang pamilya.
Isa na nga rito ang ginawang pananakit umano ni Lee sa Kapuso TV host-actress noong nagsasama pa sila sa iisang bubong. Pati na rin ang plano nitong pagpapalayas sa sarili nilang tahanan noong mabuntis siya.
Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nagkuwento ang mag-ina tungkol sa mga pinagdaanan nilang pagsubok nitong mga nakaraang taon, kabilang na ang malabangungot na pagsasama nina Pokwang at Lee.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos pangarap ding mabuntis at magka-baby, pero…
Humingi ng paumanhin si Pokey sa kanyang anak dahil nadamay nga ito sa mga problema niya sa pakikipagrelasyon sa dati niyang live-in partner.
Sabi naman ni Mae, grabe ang galit niya noon kay Lee dahil hindi nito tinupad ang naging kasunduan nila na kailanman ay hindi nito sasaktan ang kanyang nanay.
View this post on Instagram
“I told him, ‘Ingatan mo ‘yung mama ko kasi for 21 years, kaming dalawa lang.’ Wala kaming ibang kasama sa buhay, so ang gusto ko lang, ingatan niya sa mama at huwag niyang sasaktan,” sabi ni Mae kay Tito Boy.
Nagbitiw naman daw ng pangako si Lee na never nitong sasaktan si Pokey kahit na anong mangyari. “Pero in the end he broke his promise,” sey ni Mae.
Shookt din daw ang anak ni Pokwang nang sabihan siya ni Lee na lumayas na siya sa kanilang bahay noong 2020 nang aminin niyang nagdadalang-tao siya.
“Nagulat po ako na gusto akong palayasin ng ex niya sa house cause I got pregnant without getting married. He wanted me out of the house, and I don’t know why.
“Tsaka between me and him, parang ako ‘yung mas may karapatan na nasa bahay, hindi siya. Kung tutuusin,” lahad pa ng anak ng komedyana.
Nauna rito, inamin nga ni Pokwang sa panayam ng “Fast Talk” na isa na siyang ganap na lola sa anak ni Mae na apat na taong gulang na ngayon.
Last June, 2022 nang aminin ni Pokwang sa publiko na naghiwalay na sila ni Lee at noong December, 2023 naman ay nanalo ang aktres sa deportation case na inihain niya laban sa dating partner.
Matagumpay niyang napalayas sa Pilipinas ang ama ng kanyang anak noong April, 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.