Sa wakas, babandera na sa Bolivia si Reina Hispanoamericana Filipinas Ingrid Santamaria
NANG makoronahan si Ingrid Santamaria bilang Reina Hispanoamericana Filipinas sa 2022 Miss World Philippines pageant noong Hunyo ng isang taon, mayroon siyang apat na buwan upang paghandaan ang pagsabak sa international pageant niya na unang itinakda noong Oktubre.
Ngunit habang papalapit na ang takdang panahon, biglang sinabi ng mga bumubuo ng Reina Hispanoamericana pageant na mauunsyami ang pagtatanghal ng patimpalak dahil sa sigalot na nangyayari sa Bolivia, ang host country. Wala pang binanggit na bagong petsa kung kailan ito itutuloy noong panahong iyon.
Noong Disyembre, sinabi ng oganizers na matutuloy na ang patimpalak nitong Pebrero 2023, ngunit hindi rin ito nangyari. Sa bandang huli, nalipat ang iskedyul sa Marso. At dahil nga ilang ulit nang nabulilyaso ang pagtatanghal ng international pageant niya, inamin ni Santamaria na halos sumuko na siya.
“What’s happening there is almost like a war. Millions of people were out on the streets for one month, they didn’t have work. It’s really better to consider safety first,” sinabi ni Santamaria sa Inquirer sa isang online interview mula sa Paliparan kung saan na siya nakatakdang umalis patungo sa Bolivia.
“Why would they force a pageant if it was unsafe for the girls to go? And it was something that I accepted. If it’s not gonna happen now, it might not happen before I turn my crown over,” pag-amin pa ng reyna.
Baka Bet Mo: Partner ni Joshua sa Santacruzan noon, ibinandera ang larawan nila together: Kung alam ko lang na sisikat ka…
Ang nangyari, sinamantala na lang ni Santamaria ang pinalawig pang panahon upang paigtingin ang pagsasanay. “I’ve been training really hard ever since I did win my crown. But just having that extra time allowed me to polish every single aspect that I needed to polish to be able to compete. And I’m really excited for you guys to see what I have up my sleeve,” inilahad niya.
“Well, we did have to get ready knowing what the pageant wants to find in their queens in our mind. So [I’m] just a lot more palaban. It’s time for me to come out of my shell, and I’m ready to do that,” pahayag pa ni Santamaria.
Teritoryo ng mga Latina ang tatlong-dekadang-gulang na patimpalak, kaya mga palabang kontesera mula South America ang nagtatagisan dito. Naging mapalad ang unang kinatawan ng Pilipinas at ng buong Asya na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez, nakatulong ang karanasan niya sa show biz upang umangat at daigin ang mga kalaban at masungkit ang korona sa patimpalak na itinanghal noong 2017.
Makakalaban ni Santamaria ang 29 iba pang kalahok para sa koronang taglay ngayon ni Andrea Bazarte mula Mexico. Itatanghal ang coronation night ng 2022 Reina Hispanoamericana pageant sa Santa Cruz, Bolivia, sa Marso 25 (Marso 26 sa Maynila).
Related Chika:
Mexico back-to-back sa Reina Hispanoamericana; PH-bet Vera waging 3rd runner-up
Beauty queen mula sa Las Piñas, Parañaque, Makati, Aklan winner din sa Miss World PH 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.