Mexico back-to-back sa Reina Hispanoamericana; PH-bet Vera waging 3rd runner-up
NANATILI sa Mexico ang Reina Hispanoamerica crown matapos maipanalo at tanggapin ni Andrea Paola Martinez Bazarte ang korona mula sa 2019 winner na si Regina Peredo.
Makasaysayang crowning moment ito matapos ma-delay ang pageant noong nakaraang taon dahil sa pandemya.
Pinataob ni Bazarte ang 25 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa Santa Cruz de la Sierra, Bolivia nitong Oct. 30 (Oct. 31 sa Maynila).
Wagi pa rin kahit kakaunting panahong lamang ang preparation ng pambato ng Filipinas na si Emmanuelle Vera bilang “tercera finalista” o third runner-up.
Nakuha ni Vera ang pribilehiyong mairepresenta ang bansa matapos maipanalo ang Reina Hispanoamericana crown sa Miss World Philippines (MWP) 2021 pageant nito lamang Oktubre 5.
Nag-congratulate naman ang MWP Organization sa kanilang official Facebook page matapos ang pageant.
“Congratulations to our very own Emmanuelle Vera (@emmanuellevera) for placing as Tercera Finalista (3rd Runner-Up) in the Reina Hispanoamericana 2021!
We are so proud of you! You represented our country very well. Thank you for raising the flag of the Filipinas. Mabuhay ka!”
https://www.facebook.com/msworldphil/posts/2722956524675053
Binati rin nila si Bazarte ng Mexico sa pagkakapanalo. Pinasalamatan pa ng organisasyon si Karibel Perez ng Dominican Republic na nagsilbing interpreter ni Vera sa question-and-answer portion.
Itinanghal namang Vireina (vice-queen) si Ana Lucia Tejeira ngPanama, primera finalista Maria Alejandra Vengoechera Carcoma ng Colombia.
Segunda finalista ang pambato ng Venezuela na si Maria Andrea Romero Morelo, cuarta finalista naman si Bruna Custodio Zanardo ng Brazil, at quinta finalista si Theresa Lila Matos Agonia ng Portugal.
Related Chika:
Ganiel Krishnan nag-resign bilang Miss World PH 2021 Second Princess, mas pinili ang ABS-CBN
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.