Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko | Bandera

Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

Therese Arceo |December 04,2021
facebook
share this

Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

Therese Arceo - December 04, 2021 - 05:33 PM

Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

BUONG-BUO ang suporta ni Kapuso actor Dingdong Dantes sa asawang si Marian Rivera na isa sa magiging judge sa darating na 70th Miss Universe.

Sa kanyang Instagram account ay taas nong ibinandera ng aktor ang litrato ng asawa na kitang-kita ang beauty sa suot na black gown.

“Sabi nga ng bandang Hotdog, ‘Malinaw na malinaw, ngayon at ano mang araw, ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.’ Naaaaks!

“Always proud of you, @marianrivera!” saad ni Dingdong.

Reply naman ni Marian, “Awwwwww umuwi ka na! Sobrang miss na kitaaaaaa!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Kahapon, Disyembre 3, nang kumpirmahin ni Marian Rivera sa isang virtual presscon na isa siya sa mga magiging parte ng selection committee ng 70th Miss Universe na gaganapin sa Eilat, Israel.

Amin nga ni Marian, matapos raw niyang malaman na isa siya sa napili bilang judge ay si Dingdong agad ang una niyang tinawagan na kasalukuyang nasa lock-in taping noon.

“Sobrang supportive ng asawa ko. Si Dong agad ang una kong tinawagan. Sabi ng asawa ko, ‘Wow nakaka-proud naman. You have to go there.’ Ganoon agad ang sinabi niya sa akin. Nakakatuwa na ganoon ang suporta niya,” kwento ni Marian.

Sa katunayan ay sasamahan siya ni Dingdong sa paglipad patungong Israel. Nakatakda silang umalis sa Disyembre 6.

Sinigurado naman ni Marian na may mag-aalaga sa kanyang mga anak na sina Zia at Sixto sa kanilang pag-alis.

“Definitely, hindi ko pababayaan yung mga anak ko at secure yan kapag umalis ako, alam kong safe at secure yung mga anak ko,” saad niya.

Aniya paniguradong maiintindihan naman daw ng kanyang mga anak niya nag kanyang pag-alis dahil once in a lifetime lamang ito at bibihira ang mga nabibigyan ng chance na maging parte ng Miss Universe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Palagi kong sinasabi na minsan lang siguro ito na mabigyan ako ng pagkakataon na mapabilang sa napakahalagang okasyon ng buong mundo… at syempre bitbit natin ang bandila ng Pilipinas. So para sa akin isang karangalan ito na talagang buong puso kong tatanggapin.

“Mahirap kung mahirap pero siguro balang araw, maiintindihan rin ng mga anak ko ang kahalahahan ng sinakripisyo ko.”

Related Chika:
Marian napiling judge sa Miss Universe 2021: Sabi ko talaga ba, ako? Totoo ba yan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending