Ogie Diaz nakausap si Red Sternberg bago pumana: Na-shock ako

Ogie Diaz nakausap si Red Sternberg bago pumanaw: Na-shock ako!

Ervin Santiago - June 04, 2025 - 12:25 AM

Ogie Diaz nakausap si Red Sternberg bago pumanaw, magbabalik-showbiz

Red Sternberg at Ogie Diaz

NAKAUSAP pa ng host at content creator na si Ogie Diaz ang dating matinee idol na si Red Sternberg ilang linggo bago ito pumanaw.

Sumakabilang-buhay ang dating Kapuso actor na unang nakilala sa youth-oriented show noon ng GMA 7 na “T.G.I.S.” noong May 27 sa edad na 50. Ipagdiriwang sana niya ang kanyang 51st birthday noong May 30.

Kuwento ni Mama Ogs sa latest episode ng kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update”, talagang nagulat siya nang mabalitaang namatay na si Red lalo pa’t nakausap pa niya ito kamakailan.

“Na-shock pa nga ako kasi nu’ng May 14 ay ka-PM ko pa, o ka-message itong si Red,” sey ni Ogie.

Personal daw siyang tinawagan at kinausap ni Red tungkol sa plano nitong mag-comeback sa showbiz makalipas ang maraming taon.

“May gusto kasi siya itanong, na kung willing ba ako na i-manage siya. Oo, eh sabi ko naman, ‘Sige. Kamusta ka na ba? Ano na ba yung lagay ng katawan mo? Okay ka na ba? Physically fit ba?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ta’s magpapaliit pa raw siya, magpapapayat. Sabi ko sa kanya, ‘Sige, ang importante lang eh balik alindog ka.’ Willing naman tayo to manage Red Sternberg,” sabi pa ni Mama Ogs.

Dagdag chika pa ng talent manager, nasa plano na raw talaga ng namayapang aktor ang magbalik sa Pilipinas para sa isang project.

“Sinabi nga niya na may project siyang tinanggap kaya luluwas siya dapat dito ng October, supposedly,” lahad pa ni Ogie.

Tanong naman ng co-host niyang si Mama Loi, ano raw ba talaga ang naging cause of death ng dating “T.G.I.S.” star, sagot ni Ogie, “Wala naman sinabi doon pero ang nakarating sa akin ay heart attack.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending