JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko | Bandera

JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko

Therese Arceo |October 01,2021
facebook
share this

JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko

Therese Arceo - October 01, 2021 - 07:37 PM

KUMAKALAT sa social media ang nakakakilig na mga posts ng singer at songwriter na si JK Labajo sa kaniyang girlfriend at Miss Universe PH first runner-up na si Maureen Wroblewitz.

Simula pa lang ng journey ng dalaga sa pagkamit ng korona ay todo na ang suporta ng singer sa dalaga.

Hinikayat rin nito ang kaniyang mga taga-suporta na iboto ang dalaga sa Miss Universe app.

“Ang ganda nung taga Pangasinan na candidate sa Ms Universe PH grabe tapos balita ko ang bait at talino pa daw jusmio,” saad ng singer sa kaniyang Facebook account.

“Mayghad everytime umiikot si ms pangasinan umiikot din yung mundo ko,” post nitong muli.

Ngunit ang talagang nagpakilig sa mga netizens at tagahanga ng mga ito ay ang naging post nito nang matapos ang coronation night at tanghaling first runner-up si Maureen.

“Congratulations kay Ms Pangasinan!!! Ikaw parin ang Ms Universe ko,” sey ni JK sa dalaga.

Bukod sa mga posts nito ay may mga Instagram stories rin ito kung saan makikitang napapasigaw siya at todo cheer sa tuwing matatawag ang pangalan ni Maureen.

Nagwagi rin ng awards ang dalaga tulad ng special awards si Maureen bilang Miss Air Asia Philippines at Miss Hennann Resort.

Hindi man nakamit ng dalaga inaasam na korona ay waging wagi pa rin naman ang pambato ng Pangasinan sa puso ng kaniyang dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending