JK Labajo may patutsada nga ba sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz? | Bandera

JK Labajo may patutsada nga ba sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz?

Therese Arceo |November 12,2022
facebook
share this

JK Labajo may patutsada nga ba sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz?

Therese Arceo - November 12, 2022 - 11:44 PM

JK Labajo may patutsada nga ba sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz?
USAP-USAPAN ngayon sa social media kung si Miss Universe Philippines 2021 1st runner-up na si Maureen Wroblewitz ang pinatatamaan ng singer-songwriter na si JK Labajo.

Sa kanyang latest Instagram post kasi ay nagbahagi ang singer ng larawan kung saan may yakap siyang pusa.

“‘Yung tipong mamahalin mo parin siya kahit di ka niya mahal,” saad ni JK sa kanyang caption.

Kaya naman agad na na-curious ang madlang pipol kung may kaugnayan nga ba ito sa Instagram stories ng kanyang ex-girlfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by juan karlos (@juankarlos)

Base kasi sa IG story ni Maureen, ay may kasama itong lalaki kung saan makikitang sweet na sweet silang magkatabi sa isang duyan.

Nakatalikod ang ex-dyowa ni JK maging ang katabi nitong lalaki kaya naman hindi na-sight ang itsura nito.

Sa sumunod rin nitong IG story ay makikitang nagpapa-acupuncture ang dalaga katabi ang gwapong lalaki.

Hinala ng netizens, ito ang lalaking katabi niya sa duyan.

At ngayong araw nga ay iniisip ng netizens kung tugon nga ba ang latest IG post ni Maureen sa post ni JK noong Biyernes, November 11.

Caption niya, “the [sun emoji] is making me look angry but i’m not, i’m happy [heart emoji]”.

Hinuha ng madlang pipol ay may bago nang natagpuang pag-ibig si Maureen matapos ang kanilang relasyon ni JK.

Wala pa namang kumpirmasyon ang model-beauty queen kung in a relationship na nga ba siya.

Matatandaang noong June 2022 nang ginulat nina JK at Maureen ang publiko matapos nilang ianunsyo ang kanilang paghihiwalay matapos ang ilang taong relasyon.

Hindi na nila idinitalye ang rason ng kanilang paghihiwalay at sinabing para ito sa “personal growth” nila.

Ngunit sa kabila ng maayos na paghihiwalay ay makikitang in-unfollow na ngayon nina JK at Mauree ang isa’t isa sa Instagram.

Related Chika:
Juan Karlos, Maureen Wroblewitz hiwalay na: Ikaw pa rin ang nag-iisa kong buwan

JK nangampanya para kay Maureen sa Miss Universe PH 2021: Panget po yung mga hindi susuporta sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko

JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending