May bago na nga bang nagpapatibok sa puso ni JK Labajo? | Bandera

May bago na nga bang nagpapatibok sa puso ni JK Labajo?

Therese Arceo |September 21,2022
facebook
share this

May bago na nga bang nagpapatibok sa puso ni JK Labajo?

Therese Arceo - September 21, 2022 - 03:10 PM

May bago na nga bang nagpapatibok sa puso ni JK Labajo?

PALAISIPAN ngayon sa madlang pipol kung may bago na nga bang nagpapasaya sa singer-actor na si JK Labajo.

Ito ay matapos makita ang binata sa isang TikTok video ng kapwa mang-aawit na si Dia Maté.

Makikitang nagpapatawa si JK sa tabi ng dalaga habang nagli-lipsync ito ng kanta pero hindi rin napigilan ng dalaga kaya natawa ito sa ginagawa ng binata.

“Tried my best to keep a straight face,” caption ni Dia sa kanyang TikTok post.

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa madlang Marites.

“Dumating na ang order kong tsaa,” comment ng isang netizen.

@diaxmate Tried my best to keep a straight face #fyp ♬ Bound 2 – dyana

Saad naman ng isa, “Oy what if friends lang pala sila issue kayo HAHAHAHAHAHA.”

“Iba na pala ang buwan ni Meshart,” hirit pa ng isa.

Speaking of “Buwan”, ang dating kasintahang ni JK na si Maureen Wroblewitz ang naging inspirasyon ng singer-songwriter para sa kanyang sikat na kanta.

At nito ngang June 2022 nang aminin nang dalawa sa madlang pipol ang kanilang paghihiwalay matapos ang ilang taong pagsasama.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan,” saad ni JK sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan nila ni Maureen.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.”

Ngunit mukha namang walang something na namamagitan kina Dia at JK base na rin sa naging komento nila sa naturang TikTok post.

“Mami trending tato [laughing emojis],” sey ni JK.

Reply naman ni Dia, “Omg mami the chismis…”

Bukod pa rito, may isa pang TikTok video si Dia kung saan featured si JK habang sumasayaw sa bagong release na kanta ng dalagang “Kalimutan”.

Isa pa, nasa iisang music label company lang ang dalawa at mukhang supportive lang ang dating dyowa ni Maureen sa kanyang kaibigan.

Related Chika:
JK nangampanya para kay Maureen sa Miss Universe PH 2021: Panget po yung mga hindi susuporta sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juan Karlos, Maureen Wroblewitz hiwalay na: Ikaw pa rin ang nag-iisa kong buwan

JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko

JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending