Kelvin Miranda, Kira Balinger in-unfollow ang isa't isa sa Instagram matapos ang isyu ng 'cheating' | Bandera

Kelvin Miranda, Kira Balinger in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram matapos ang isyu ng ‘cheating’

Therese Arceo |January 06,2023
facebook
share this

Kelvin Miranda, Kira Balinger in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram matapos ang isyu ng ‘cheating’

Therese Arceo - January 06, 2023 - 02:41 PM

Kelvin Miranda, Kira Balinger in-unfollow ang isa't isa sa Instagram matapos ang isyu ng 'cheating'

TRENDING ngayon ang celebrities na sina Kelvin Miranda at Kira Balinger matapos i-expose ng social media influencer na si Roselle Vytiaco ang palitan ng mensahe ng dalawa habang magkarelasyon pa sila ng aktor.

Matapos ngang mag-trending ang dalawa ay dahil sa mga naging pasabog ni Roselle ay marami sa netizens ang nakapansin na tila nag-unfollow ang dalawang dawit sa isyu sa isa’t isa.

Matatandaang nitong Huwebes, January 4, nang magulantang ang madlang pipol sa Instagram stories ng ex-girlfriend ni Kelvin kung saan sunud-sunod ang pag-post nito ng screenshots ng naging convo nito sa kapwa artista na si Kira Balinger.

“Meron silang upcoming film. Sila yung bida pareho. Ever since we started dating, I’m very open to our field of work kasi halos same kami na may nakawork na iba’t-ibang tao. Sa kaniya nga may mga bed scene pa but full support ako sa kaniya, as is never naging problem sa akin,” paglalahad ni Roselle.

Magkasama sina Kelvin at Kira sa lock-in taping simula noong December 11-21 base na rin sa salaysay ni Roselle sa kanyang Instagram stories. Ang inaakala niyang trabaho lang ay tila nauwi sa totohanan dahil nanatiling magkausap ang dalawa matapos ang kanilang trabaho.

Dagdag pa niya, mismong noong araw ng kanilang anniversary nang makipaghiwalay sa kanya ang aktor at kahit na nasa Baguio siya noon ay pinuntahan niya ito para kausapin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kelvin Miranda (@iamkelvinmiranda)

Dito ay inamin raw sa kanya ng binata na hindi na ito attracted sa kanya at may iba itong nagugustuhan pero wala pa raw iba.

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang tugon o pahayag ang kampo ni Kelvin o kampo ni Kira hinggil sa kinakaharap na isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa mga pahayag ng mga ceebrities na sangkot sa cheating allegation ni Roselle.

Related Chika:
Kelvin Miranda inakusahang ‘cheater’,ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga ‘resibo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kira Balinger nilayasan ang toxic BF; may ‘bad memory’ sa isinuot na swimsuit

Kelvin Miranda na-diagnose ng bipolar 1, PTSD, ADHD noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic

Teddy Corpuz umaming Mama’s Boy na maka-lola pa; LA Santos, Kira Balinger magdyowa na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending