Andrea Brillantes in-unfollow na rin si Kathryn Bernardo sa IG, gantihan na yarn!? | Bandera

Andrea Brillantes in-unfollow na rin si Kathryn Bernardo sa IG, gantihan na yarn!?

Ervin Santiago - November 20, 2023 - 03:06 PM

Andrea Brillantes in-unfollow na rin si Kathryn Bernardo sa IG, gantihan na yarn!?

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Andrea Brillantes

CONFIRMED! In-unfollow na rin ni Andrea Brillantes sa Instagram ang award-winning actress at Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Ito’y ilang araw makalipas madiskubre ng mga fans ni Kathryn na hindi na pina-follow ng girlfriend ni Daniel Padilla si Andrea sa IG.

Ito’y sa gitna nga ng mga usap-usapan na nagkalabuan hanggang sa tuluyan na ngang maghiwalay umano sina DJ at Kath at ang itinuturong dahilan ay si Andrea.

Ayon sa tsismis, palihim pa umanong nagkikita sina Daniel at Andrea na nalaman daw ni Kathryn kaya nagsimula raw magkalamat ang relasyon ng KathNiel.

At kahapon nga, November 19, napansin ng mga netizens na wala na rin sa following list sa IG account ni Andrea ang IG ni Kathryn. Ibig sabihin, pareho nang hindi pina-follow ng dalawang Kapamilya stars ang isa’t isa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?

Nang i-check naman namin ang IG page ni Daniel, makikitang nasa following list pa rin niya sina Andrea at Kathryn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, nagsalita naman ang vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa naturang isyu dahil sa YouTube channel nga niya nagsimula ang naturang balita.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes in-unfollow na sa Instagram si Ricci Rivero

Sa presscon ng pelikulang “In His Mother’s Eyes” kung saan isa siya sa cast members, hiningan si Ogie ng reaksyon kung naniniwala ba siyang may namamagitan talaga kina Daniel at Andrea.

“Sinabi ko nga, paulit-ulir, eto ho ang nakarating sa amin, hindi po ito confirmed. Hintayin po natin sila kung ano ang sasabihin nila, kung ano ang totoo du’n sa nabalitaan natin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-try ba siyang mag-reach out sa KathNiel bago ibinalita ang naturang chika? “Again, eto po yung nabalitaan namin. Hindi po ito confirmed. Hintayin po natin silang magsalita kung ano ang totoo. Basta importante, at the end of the day gusto ko, sila pa rin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending