Andrea Brillantes in-unfollow na sa Instagram si Ricci Rivero | Bandera

Andrea Brillantes in-unfollow na sa Instagram si Ricci Rivero

Therese Arceo |June 27,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes in-unfollow na sa Instagram si Ricci Rivero

Therese Arceo - June 27, 2023 - 07:58 PM

Andrea Brillantes in-unfollow na sa Instagram si Ricci Rivero
TULUYAN na ngang in-unfollow ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang kanyang dating boyfriend na si Ricci Rivero.

Ilang linggo matapos mapabalita ang kanilang paghihiwalay ay nananatili pa ring naka-follow ang dalaga sa basketbolista.

Ngunit ngayon nga ay nagdesisyon na si Andrea na bawasan na ang koneksyon kay Ricci sa pamamagitan ng pag-unfollow sa social media.

Marami sa mga marites ang super happy dahil finally nga raw ay wapakels na ang dalaga sa dati nitong dyowa.

Sa kabila nito ay may mga larawan at videos pa rin sa Instagram account ni Andrea kung saan nandoon pa rin ang bakas ng kanyang dating dyowa.

Matatandaang nitong Lunes, nag-guest si Ricci sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung saa binigyang kasagutan niya ang ilang mga katanungan ukol sa kanilang paghihiwalay ng “Drag You and Me” star.

Baka Bet Mo: True ba, Ricci Rivero ginawa lang trophy girlfriend si Andrea Brillantes…natsitsismis sa bading?

Ayon sa basketbolista, ilang beses rin nila sinubukang ayusin ang problema sa kanilang relasyon.

May mga personal issues rin daw sila ni Andrea na pilit nilang inaayos habang nasa relasyon na para sa kanya ay normal lang sa mag-dyowa.

Inamin rin nito ang pinaka naging rason ng tuluyan nilang paghihiwalay ng aktres.

“Yung cause ng breakup was ‘yung speculations ngayon, ‘yung kumakalat sa social media. ‘Yung may nakita siyang [Andrea] girl do’n sa place ko,” saad ni Ricci.

Ngunit ilang beses na rin daw nilang pinag-usapan iyon at nagbigay pa ng ebidensya na wala silang relasyon ng inabutang babae sa kanyang condo.

“Ilang beses naman po naming pinag-usapan ‘to, as in sobrang daming beses na sinabi ko sa kaniya with all the evidence that I have, kasi may mga conversations even with my friends, na hindi po sa’kin ‘yung girl,” kuwento pa ni Ricci sa naging pag-uusap nila ni Andrea.

“May papuntang friend ako ng midnight or madaling araw tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Tapos ‘yun yung inabutan niya that time,” lahad pa niya.

Pinabulaanan rin niya ang chikang ipinagpalit niya si Andrea sa beauty queen-politician Leren Mae Bautista.

Related Chika:
Blackpink tinulungan si Andrea Brillantes sa paandar na ‘promposal’ kay Ricci Rivero: ‘He said YES!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero hiwalay na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending