True ba, Ricci Rivero ginawa lang trophy girlfriend si Andrea Brillantes...natsitsismis sa bading? | Bandera

True ba, Ricci Rivero ginawa lang trophy girlfriend si Andrea Brillantes…natsitsismis sa bading?

Ervin Santiago |June 20,2023
facebook
share this

True ba, Ricci Rivero ginawa lang trophy girlfriend si Andrea Brillantes…natsitsismis sa bading?

Ervin Santiago - June 20, 2023 - 06:12 AM

True ba, Ricci Rivero ginawa lang trophy girlfriend si Andrea Brillantes...natsitsismis sa beki?

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

MAINIT pa ring pinag-uusapan hanggang ngayon ang paghihiwalay nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero at kung anu-ano nang version ang naglalabasan tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Ang latest, inaakusahan ang sikat na basketball player at aktor na ginamit lang daw niya si Andrea at ginawang trophy girlfriend.

Isa ito sa napag-usapan sa latest vlog ng “Showbiz Now Na” nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez kung saan inisa-isa nga nila ang mga puntos ng paghihiwalay ng dating celebrity couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa simulang bahagi ng vlog, pinuri ni Nanay Cristy ang katapangan ni Andrea matapos amining hindi pa siya nakaka-move on sa paghihiwalay nila ni Ricci.

Ngunit may lumabas na tsismis na isa raw sa naging dahilan ng pakikikaghiwalay ni Andrea sa aktor at cager ay ang chika tungkol sa pagkaka-link nito sa isang beki.

“Alam mo, itong batang (Andrea) ‘to, napaka-truthful. Ang ganda ng kanyang sinabi na, ‘di pa ako masyadong nakakabangon at nakaka-recover kasi nagmahal ako.’

Baka Bet Mo: Paco Arespacochaga sinabihan ng anak ng, ‘Masama kang tao, wala kang kwentang ama!’

“Kung mayabang itong Blythe si Andrea Brillantes, (sasabihin niya) ‘Okay na ako. Makaka-move on na ako.’ Hindi mayabang ‘yung bata.

“Inaamin niya na siya’y isang babae lamang na natutong magmahal at nakaramdam din na minahal.

“Ang sabi niya hindi pa raw siya nakaka-recover, pero ang sabi ginawa lang daw trophy girlfriend?” pahayag ni ‘Nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon pa raw batikang manunulat, radio at TV host, may nagparating sa kanila na naging front lang daw ni Ricci si Andrea.

“Parang trophy girlfriend, parang nagamit. Front lang daw po si Andrea kasi laging nasusulat, nakukuwento na ang dyowa raw ni Ricci ay beki,” sabi pa ni Nay Cristy.

“Nung una naba-blind item ‘yung ganyan. Siyempre gwapo naman siya,” hirit naman ni Wendell.

Sey ni Romel Chika, may mga basketball player naman talaga na alaga ng mga bading kaya hindi na bago kung sakaling totoo ang chika about Ricci.

Matatandaang mismong si Ricci ang umamin na hiwalay na sila ni Andrea kasabay ng pagsasabing siya ang may kasalanan sa naganap na breakup.

Pero nakiusap siya sa mga netizens na tigilan na ang paggawa ng mga fake news tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Ricci sa pagli-link sa kanya sa isang beki.

Juliana Parizcova Segovia sinubukang ibenta ang Miss Q & A crowns at trophy sa halagang P1M?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending