Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang 'Siargao date', bashers tuloy ang pangnenega | Bandera

Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

Ervin Santiago |May 31,2022
facebook
share this

Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

Ervin Santiago - May 31, 2022 - 04:26 PM

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng netizens sa mga kumakalat na litrato ngayon sa social media ng magdyowang Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Kuha ang mga nasabing photos sa Siargao kung saan nagbabakasyon ang young couple. Ito ang sinasabing first beach trip ng dalawa as couple.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapamilya young actress ang ilang kaganapan sa kanilang Siargao getaway kung saan kasama rin nila ang ilang malalapit na kaibigan.

Kabilang nga sa mga naki-join sa pagtungo nina Ricci at Andrea sa Siargao ay ang singer-actor na si Alex Diaz at ang aktres na si Ashley Colet, base na rin sa kani-kanilang post sa IG.

Makikita sa isang litrato si Andrea na seksing-seksi sa kanyang red two-piece swimsuit. May kuha rin sila ni Ricci na sweet na sweet at  all-smiles habang naghahanda sa kanyang bonggang meal by the beach.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


“Life lately,” ang maikling caption ni  Andrea sa kanyang post na pinusuan at ni-like ng kanyang mga fans at IG followers.

Inamin nina Andrea at Ricci noong April na nagde-date sila hanggang sa sagutin na nga ng dalaga ang basketball player (UP Maroons) nang mag-propose ito pagkatapos ng kanilang UAAP game sa Mall of Asia Arena.

Pagkatapos matsismis si Andrea kay Ricci, inamin din niya na dalawang taon din silang naging magdyowa ng kanyang ka-loveteam na si Seth Fedelin.

Kung may mga kinilig at natuwa sa Siargao vacation nina Andrea at Ricci, meron ding mga netizens ang nangnega sa magdyowa at kung anu-anong malilisyosong salita ang pinagsasasabi. Pero mukhang dedma lang ang dalawa sa mga ito.

Nauna rito, inamin ng dalaga na super happy siya sa piling ni Ricci, “Masaya ako at sobrang excited din kasi first time kong magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin na basketball player.

“At first time ko rin na magkaroon ng boyfriend na out sa public. Masaya at saka this time hindi ko na talaga binabasa ‘yung mga comments kasi I know na madaming mga bitter, madaming may mga masasabi sa relasyon.

“Du’n lang ako natatakot, kasi first time ko nga ito na public at hindi ko pa alam masyado kung paano i-handle. Eh, very clingy pa man din ako na tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, ang daming nagsasabi, masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang. Ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” sey pa ni Andrea.

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Ricci Rivero tinupad ang promise sa UP Ikot Drivers, naibigay na ang P200k ayuda

Ricci Rivero sa pag-convert sa kanya ni Andrea: This isn’t about her being a perfect girlfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending