Paco Arespacochaga sinabihan ng anak ng, 'Masama kang tao, wala kang kwentang ama!' | Bandera

Paco Arespacochaga sinabihan ng anak ng, ‘Masama kang tao, wala kang kwentang ama!’

Ervin Santiago - January 22, 2023 - 06:51 AM

Paco Arespacochaga sinabihan ng anak ng, 'Masama kang tao, wala kang kwentang ama!'

Paco Arespacochaga

SA kauna-unahang pagkakataon makalipas ang mahabang panahon, nagkuwento ang dating miyembro ng bandang Introvoys na si Paco Arespacochaga tungkol sa kanyang pagiging tatay.

Lima na ang anak ng singer-drummer at bilang isang ama, napakarami na rin daw niyang natutunang life lesson na hanggang ngayon ay baon-baon niya sa kanyang isip at puso.

Pero ayon kay Paco, ang bunsong anak daw talaga niya ang nagpabago sa mga pananaw niya sa buhay lalo na pagdating sa pagiging tatay.

Pagbabahagi ng dating karelasyon ni Geneva Cruz sa “Magandang Buhay” last Thursday, nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng anak niyang panganay noon.

Halos isang taon daw tumagal ang samaan nila ng loob, “I have five kids. Ang edad nila, 26 pababa hanggang eight. Si Cassidy, siya ang wake-up call ko. I have four boys and one girl.

“Nag-away kami ng panganay ko, si Heaven (anak nila ni Geneva), sabi niya, ‘Masama kang tao, wala kang kwentang ama. Kami, nilabas mo lang kami para iyabang. Trophy kids. So I don’t want any part of this,’” ang sabi raw ni Heaven sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paco Arespacochaga (@arespacochaga)


Inintindi na lang daw niya ang anak dahil naniniwala siya na malalaman din nito ang totoo at darating ang araw na matututo din itong maging independent sa buhay.

“I was orphaned at 22. I had to fend for myself at 22. Tinawag niya akong walang kwenta. I want to see you fly. May pride pa kami, isang taon kaming hindi nag-usap,” ani Paco.

Noong panahong yun, ang tanging nasa pangangalaga niya ay ang nag-iisang anak na babae, “Si Cassidy ang unang anak na inalagaan ko kasi ‘yung mga boys, nanay nila ‘yung nag-alaga or may mga yaya.

“I was looking at this little fragile girl and sabi ko, I’ve never felt this way. Doon ko lang na-realize ‘yung sinasabi ni Heaven na ‘trophy, trophy, trophy.’

“Hindi ko pwedeng gawing trophy (‘yung daughter ko) kasi gagawing trophy ng mga lalaki ito. So kailangan ko magbago. And then nag-disseminate sa mga boys. Isa-isa akong nag-sorry sa kanila,” aniya pa.

“Doon ko nasabi na madaling magiging tatay, isilang mo lahat iyan, bigyan mo ng child support, okay na. Pero ‘yung maging ama, ‘yung maging dad na, ‘Hey dad, can I talk to you?’ Napaka-fulfilling noon. It changed me completely, having a daughter,” pagbabahagi pa ni Paco.

Isa sa mga natutunan niya sa lahat ng naranasan sa buhay lalo na sa pagiging ama, “I will always be patient. Ang dami kong anak and lahat iyan may mga needs iyan so pupunta sila sa akin.

“Minsan pagod ka na, minsan paulit-ulit, minsan magkakamali.

“Pero sinabi ko sa kanila I will always be proud of them no matter how many times they stumble, no matter how many times they fail as long as they get up because nandoon ako sa likod nila to dust them off and to cheer them on hangga’t mahanap nilang lahat ang mga gusto nila sa buhay nila,” paliwanag pa ni Paco.

Paco nagluluksa rin sa pagpanaw ng nanay ni Geneva: Goodbye Mama…

Geneva Cruz pinatunayang pwedeng maging friends sa ‘ex’, in good terms kay Paco

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis bugbog-sarado sa fans ni Andrea Brillantes: Nanindigan lang siya bilang Kakampink, karumal-dumal ba ‘yun?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending