Lolit Solis bugbog-sarado sa fans ni Andrea Brillantes: Nanindigan lang siya bilang Kakampink, karumal-dumal ba ‘yun?
BINIRA ng fans ni Andrea Brillantes si Aling Lolit Solis dahil sa recent aria nito sa kanyang Instagram account.
Pinalalabas kasi ni Aling Lolit na tsinugi si Andrea ng kanyang sponsor na salon dahil daw sa maaanghang nitong dayalog noong nakaraang election.
“O nakita mo na Salve kung ano nangyari sa pagiging atrebida ni Andrea Brillantes? Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng service inalis raw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa mga supporters ni BBM (Bongbong Marcos).
View this post on Instagram
“Kung big star si Andrea baka pinalagpas pa iyon, pero dahil isang wala naman ningning na baguhan, talagang snob ang treatment sa mga arte niya.
“Sabi ko nga, lahat kaya mo pag meron kang star power, pero kung isa ka lang wannabe hindi ka nila palalagpasin sa mga kagagahan mo. Know your place, your ranking, your level, bago ka magbitaw ng anuman salita.
“Palagay ba ni Andrea Brillantes nakatulong siya kay Leni Robledo? Baka nga nakabawas pa siya ng boto.
“Now, aral na ito para sa lahat, tutoo, ipaglaban mo ang choice mo, huwag kang patalo. Pero maging maingat ka rin at sana nakatulong ka nga sa gusto mong kandidato.
“Saka huwag OA, tignan mo, mukha kang engot dahil hindi ka sineseryoso, kasi nga , susuporta ka pa lang OA ka na, di lalo na pag nanduon ka na.
“Baka manatili kang Bituin Walang Ningning Andrea Brillantes, hanap ka na lang uli ng free make up service, sayang din iyon libre, hah hah hah. Or else, manghiram ka na lang ng make up sa mga Pink ladies, mas bongga.”
‘Yan ang aria ni Aling Lolit, bagay na pinatulan ng fans ni Andrea. Bugbog-sarado ang matandang manunulat sa mga fans ni Andrea.
“Miss Andrea wag pansinin ang babaeng matanda na Butangera kahit kailan di karapat dapat bigyan ngrespeto. Ee love you Andrea kahit Bata ka pa at list alam mo kung ano ang ipinaglalaban mo, cheer up.”
“Naiintindihan ka namin Andrea. Gusto mo lang naman ng maayos at di corrupt na gobyerno. Kapuri puri ang kabataan na tumitindog sa magandang prinsipyo. Don’t worry sa matandang walang pinagkatandaan? Me ganyan tlga sa showbiz gusto mapansin o ksp. Ur a good &talented artist. U have lots of chances in life. Keep ur moral values intact. Marami pa dyan mas magaling na salon na pde kang tangkilikin baka mas mahusay pa cla. God bless u & ur family.”
“Matanda walang pinagkatandaan, pinaglaban lng ni Andrea ang kanyang puso at isipan nanindigan sa gusto nya presidente masama na ba yun? Lahat tau may karapatan mamili kung sino gusto ntin iboto, para sa inyo karumal dumal na.”
“Naku umandar nman si Matandang Solit na yan. Maraming nagmamahal sayo Andrea. Tapos na ang election be proud of it.”
“Me magandang pag iisip yong bata. Bata pa siya pero alam niya ang tama at mali. Palaging magdsal Andrea you are an example of a person who have a good heart and spirit God bless you.”
“Kuda na nman tong Lolit na toh. me naniniwala ba pa sa kanya?”
https://bandera.inquirer.net/302938/andrea-brillantes-sinupalpal-ang-basher-huwag-kang-umasta-na-alam-mo-lahat
https://bandera.inquirer.net/308890/lolit-solis-kay-bea-alonzo-siguro-masakit-pa-ring-ma-ghost-ng-isang-gerald-anderson
https://bandera.inquirer.net/289906/andrea-ilang-beses-nang-nagbalak-mag-quit-sa-showbiz-ang-hirap-hirap-lalo-na-kung-breadwinner-ka
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.