Geneva, Rachel, Jeffrey kakanta, magdadrama sa 'Nasaan Si Hesus?'

Janno, Geneva, Rachel, Jeffrey kakanta, magdadrama sa ‘Nasaan Si Hesus?’

Ervin Santiago - January 13, 2025 - 08:25 AM

Janno, Geneva, Rachel, Jeffrey kakanta, magdadrama sa 'Nasaan Si Hesus?'

Ang cast members, director at staff ng ‘Nasaan si Hesus?’

WALANG pagdadalawang-isip na tinanggap ng mga OPM artists na sina Rachel Alejandro, Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo ang movie adaptation ng stage musical na “Nasaan Si Hesus?”

Sa katunayan, excited na silang mag-shoot para sa naturang pelikula na ipo-produce ng Balin Remjus Inc. at Great Media Productions, Inc., mula sa direksyon ni Dennis Marasigan.

Ang “Nasaan si Hesus?” ay isang musical stage play na nagsimulang ipalabas noong mid-2000, na isinulat ng yumaong entertainment editor na si Nestor U. Torre, na mayroong mga kantang nilikha ni Mrs. Lourdes “Bing” Pimentel.

Bukod kina Rachel, Geneva at Jeffrey, kabilang dim sa cast ng pelikula sina Janno Gibbs, Marissa Sanchez, Rachel Gabreza ng “Tawag ng Tanghalan”, Gianni Sarita ng “The Voice Kids” at iba pang artista mula sa entablado, recording at pelikula.

Baka Bet Mo: Jeffrey sa isyu ni Darryl: ‘Look at the bigger picture, never quick to judge!’

Gaganap si Geneva sa movie bilang isang madre, “I’m really really excited na gawin itong pelikula. Madalang po ako gumawa ng pelikula these days kasi sa totoo lang po nag eenjoy talaga as a performer and as a singer.

“Pero, ito po excited ako. Namimili rin po ako ng pelikula na alam ko na ikaka-proud ko at ikakasaya ng aking kaluluwa at puso,” sabi ng actress-singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Gaganap naman si Jeffrey sa pelikula bilang asawang cheater ng karakter ni Rachel, “It’s nice to be part of a project with such a very powerful message. Hopefully, this message and movie touches the lives of the Filipino. I hope you support this film.”

Mauunang kunan ang mga eksena ni Rachel sa “Nasaan Si Hesus?” dahil kailangan na niyang bumalik sa US kung saan na siya naka-based.

“Talagang pinilit ni Direk Dennis na makunan yung mga eksana ko before I go back to the US. Eksakto naman, naipilit. Pero ako lang talaga yung magsu-shoot, yung story namin ng family unit, yun lang makukunan ng January. The rest yata February and most of the principal photography will be in February and March.

“I’m glad kasi nu’ng narinig ko pa lang yung synopsis ng film, parang napaka relevant kasi ng mga kwento. Parang iba na naman ito from anything I’ve done in the past so for me it’s another challenge,” chika ng seasoned singer-actress.

Ang kuwento ng “Nasaan si Hesus?” ay umiikot sa mga problema ng mga nakatira sa isang pamayanan tungkol sa pamilya, pera, pag-ibig, trabaho, at pulitika.

Haharap ang mga karakter sa mga tukso at ang kanilang pananalig sa Diyos ay masusubok. Ang kuwento ng kanilang mga buhay ay bibigyang drama at kulay ng mga kanta na ang himig at titik ay nilikha ni Mrs. Bing Pimentel, maybahay ng yumaong Sen. Aquilino, “Nene” Pimentel, Jr..

Si Nanay Bing, kung siya ay tawagin, ay isang civic leader na mayroong natural na talent sa paglikha ng mga kanta.

Aniya, “Gusto namin isapelikula ang ‘Nasaan si Hesus?’ para magbigay ng impormasyon at inspirasyon. Ito’y paraan para magbigay papuri, pasasalamat, at magdasal. Ang Diyos ay nariyan lang kung bubuksan natin ang ating puso at isipan.”

Higit nang dalawang dekada mula noong unang ipalabas sa entablado ang “Nasaan si Hesus?” Higit sa 80 performances ang naiprodyus para sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at iba pang mga manonood sa buong Pilipinas.

Katuwang ni Mrs. Pimentel sina writer-director Dennis Marasigan, musical director-arranger na si TJ Ramos sa pag-update ng dula para sa digital age.

“Tatalakayin ng pelikula kung paano magiging mas matatag ang mga tao sa kabila ng mga pagsubok sa makabagong panahon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula ang pagsasapelikula ngayong Enero at nais ng mga producer na ipalabas ito bago mag-eleksiyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending