Geneva Cruz pinatunayang pwedeng maging friends sa 'ex', in good terms kay Paco | Bandera

Geneva Cruz pinatunayang pwedeng maging friends sa ‘ex’, in good terms kay Paco

Therese Arceo |January 13,2023
facebook
share this

Geneva Cruz pinatunayang pwedeng maging friends sa ‘ex’, in good terms kay Paco

Therese Arceo - January 13, 2023 - 11:02 AM

Geneva Cruz pinatunayang pwedeng maging friends sa 'ex', in good terms kay Paco
SINAGOT ng aktres na si Geneva Cruz ang tanong kung maaari bang maging magkaibigan ang dating magka-ibigan.

Sa kanyang social media account ay ibinahagi ng singer-actress ang isang video ng kanilang pagkikita ng drummer ng Introvoys at ex-husband niyang si Paco Arespacochaga na uploaded nitong Huwebes, January 12.

“Can exes be good friends with one another? The answer is YES,” lahad ni Geneva sa caption.

Ipinakita nga niya sa naturang video kung paano sila magbatian sa tuwing nakikita nila ang isa’t isa.

“Awesome seeing my only son’s daddy and my good friend Paco Arespacochaga this afternoon,” dagdag pa ni Geneva.

Kitang-kita nga na walang ilangan at talaga namang komportable na para bang magtropa lang na nagkukumustahan ang dalawa matapos ang kanilang matagal na hindi pagkikita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)

Tinanong pa ng aktres si Paco kung kailan ito uuwi pabalik ng Amerika na sinagot naman ng musikero ng “Kararating ko lang pinapaalis na ako agad, guys.”

Nagkita ang dalawa para sa taping ng morning talk show na “Mhies on a Mission” nina Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, at Ciara Sotto.

Matatandaang nagpakasal noong December 1995 sina Geneva at Paco sa Lake Tahoe, Nevada. Kasalukuyang dinadala na noon ng aktres ang kanilang panganay na anak na si Heaven.

July 1999 nang maghiwalay ang dalawa at January 2001 naman nang tuluyan nang ma-annul ang kanilang kasal na ang naging grounds ay psychological incapacities on both parties.

Kahit nga hiwalay na ang dalawa ay nanatiling maayos ang amahan nila at sa katunayan, isa si Paco sa mga nagbigay tribute sa pagkamatay ng ina ni Geneva na si Marilyn Cruz.

“You will always be in my heart and in the hearts of many. Your laughter will always be in my heart. I love you Mama! Thank you for loving everyone in your life… ESPECIALLY ME!” bahagi ng mensahe ni Paco.

Related Chika:
Paco nagluluksa rin sa pagpanaw ng nanay ni Geneva: Goodbye Mama…

Geneva matindi ang pinagdaanan bilang single mom: ‘It will take patience, self-love, self-care para maging isang maayos na ina’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Geneva Cruz rumesbak sa basher na nagsasabing ‘trying hard’ siya: It is a reflection of how bad you feel about yourself

Geneva Cruz pa-yummy pa rin sa edad na 46; ibinandera ang sikreto sa batang-batang itsura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending