Juliana Parizcova Segovia sinubukang ibenta ang Miss Q & A crowns at trophy sa halagang P1M? | Bandera

Juliana Parizcova Segovia sinubukang ibenta ang Miss Q & A crowns at trophy sa halagang P1M?

Therese Arceo |March 08,2023
facebook
share this

Juliana Parizcova Segovia sinubukang ibenta ang Miss Q & A crowns at trophy sa halagang P1M?

Therese Arceo - March 08, 2023 - 08:50 PM

Juliana Parizcova Segovia sinubukang ibenta ang Miss Q & A crowns at trophy sa halagang P1M?
SINUBUKAN ng “It’s Showtime” Miss Q&A Season 1 Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia na ibenta ang kanyang mga napanalunang korona mula sa Kapamilya noontime program.

Mapapanood sa isang YouTube channel na “Boss Toyo Production” ang pagtatangka ng komedyante na ibenta ang kanyang 10 crowns na napanalunan niya daily, ang trophy at ang crown na nakamtan niya noong grand finals na nagkakahalaga ng P1 million.

Pagbabahagi ni Juliana, “Limang taon na rin ang nakalipas so parang kahit mawala na ito sa akin, history na rin ‘yun eh.”

Inisa-isa rin niya ang mga napanalunan niya noong 2018 sa naturang patimpalak gaya ng P1 million cash, negosyo package, retoke package na hindi pa raw niya nagagamit dahil kumikita pa siya dahil sa kanyang mukha, at trip to Thailand.

“Ang bawat isa (korona) nito ay P20,000 ‘yung worth niya. So ten ‘to is P200,000. Itong crown na ‘to ang worth nito ay P450,000 na [dahil] the Swarovski, the silver ganyan, plus ‘yung trophy. So, siyempre napanalunan ko siya ng P1M so P1M,” sey ni Juliana.

Napaisip naman si Boss Toyo sa ibinigay na presyo ng komedyante dahil masyado itong mabigat at hindi pa kaya ng kanyang budget.

Baka Bet Mo: Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya

“Maganda sana ito sa shop kasi may kwento, may provinance, may pagdating ng panahon, tumanda man siya, may kwento siya kasi unang-una, first season rin ng Miss Q&A… OG ka, kaso P1 million,” lahad ni Boss Toyo.

Hanggang P400,000 lang ang kayang i-offer ni Boss Toyo ngunit hindi kumasa si Juliana sa offer dahil hanggang P800,000 lang niya pwedeng ibigay ang kanyang mga korona at memorablia mula sa Miss Q&A.

“Sayang at hindi kami nakapag-close deal ni Boss Toyo doon sa aking crown ng grand finals, ‘yung 10 crowns noong nag-hall of fame ako, at trophy pero gayunpaman, maraming maraming salamat pa rin sa warm welcome,” sey ng komedyante.

Wala namang ibang sinabing rason si Juliana kung bakit naisipan niyang ibenta ang naturang crowns at trophy.

Ang naturang vlog ay lumabas noong December 27, 2022 pa pero ngayon lang ito naging usap-usapan sa social media.

Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending