Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan! Bandera

Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!

Therese Arceo |February 15,2022
share this

Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!

Therese Arceo February 15, 2022 - 02:56 PM

Juliana Parizcova Segovia may bwelta kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!
UMANI ng napakaraming batikos ang “It’s Showtime” Miss Q&A Gwand Winner noong 2018 na si Juliana Parizcova Segovia matapos ang kanyang paglabas sa mga videos ng “Vincentiments”.

Mas lalo pa ngang tumindi ang mga komentong natatanggap ng komedyante nang lumabas siya sa “Kape Chronicles” ni Darryl Yap kung saan kinukwestiyon nila kung posible nga ba ang pagtatrabaho ng 18 hours sa isang araw bagay na pinalagan ng mga netizens maging ng mga kilalang personalidad sa entertainment industry.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Juliana na naiintindihan niya kung may ilan sa mga nakakasama niya at mga nakatrabaho niya ang inaatake siya nang personal matapos ang kanyang mini online series.

“Sa ibang nakasama at naka trabaho ko…Ok lang po kahit personal ang atake nyo sakin..nauunawaan ko po kayo at hindi po ako sasagot,” saad ng komedyante.

Dagdag pa niya, “Ibibigay ko sa inyo ang respeto lalo na sa mga nakasama ko at naging kaibigan.”

Pero may bwelta si Juliana sa isa umano niyang kasamahan na nagsabi raw na sasampalin siya kapag nagkaroon ng face-to-face presscon.

“‘Yung isa na nagsabi na sasampalin nya ko pag nagkaron ng face to face presscon, please, TUPARIN mo po yan,” sey niya.

 

 

Palaban rin ang naging kasunod na pahayag ng komedyante.

“Para naman maparamdam ko sayo ang tunay na sampal ni Kabang na tiyak pag natikman mo magtatampo ang kaluluwa mo sa katawan mo,” dagdag pa niya.

May mga nag-comment rin sa post ni Juliana na kasamahan niya sa trabaho gaya na lang ni Direk Roman Perez Jr.

“Walang pisikalan, walang personalan,” saad ng direktor.

Sagot naman ni Juliana, “True Direk. Hindi na napigilan eh.”

Pinayuhan na lamang siya ng direktor na hayaan na kung sino ang nagsabi nito sa kanya at huwag nang pansinin.

Sey naman ng ilang netizens, “Kalma na lang mhie magkakaiba man tayo paniniwala isang araw lang election. Ipagdasal mo na lang sila. Love you!”

Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia naka-jackpot sa Viva; hugot na hugot ang drama sa ‘Gluta’
Lamang ni Juliana Parizcova sa ibang gay comedian: Ako yung balanse yung mukha, pero walang ngipin!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending