Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya Bandera

Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya

Therese Arceo |December 15,2021
share this

Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya

Therese Arceo December 15, 2021 - 08:37 AM

Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage

LABIS na nasasaktan ang komedyante at “It’s Showtime” Ms. Q & A Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia para sa kaibigang si Brenda Mage na kasalukuyang nasa loob ng “PBB” house.

Isa si Brenda Mage sa mga “PBB 10 Kumunity” celebrity housemates na matunog ang pangalan sa outside world dahil sa mga pambabash ng madlang pipol. Marami kasi ang naiinis sa kanya dahil sa kanyang mga ikinikilos sa loob ng Bahay ni Kuya at sa kanyang pagiging “Marites”.

Umpisa pa lang ng show ay naging usap-usapan na ang komedyante dahil sa mga malisyosong biro nito sa kapwa housemate na si Eian Rances. Mukha namang wala lang ito kay Eian kaya naman agad silang nagkasundo at naging malapit na magkaibigan.

Sa paglalim ng kanilang samahan ay mas naging open ang dalawa sa isa’t isa kaya naman napag-uusapan na nila ang pagkakaroon ng “crush” ni Eian sa aktres at housemate na si Alexa Ilacad.

Sa mga nakalipas na araw ay nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng tatlo dahil pakiramdam ni Brenda ay naiwan siya sa ere ng kaibigan matapos mahati sa dalawang grupo ang mga housemates at napunta ang dalawa sa magkaibang grupo. Nagselos rin ito nang biglang mas naging malapit ang dalawa. Aniya, hindi raw niya maintindihan si Eian dahil taliwas sa mga actions nito ang kanyang mga sinasab at bilang kaibigan ay concern siya kay rito at ayaw nitong pinapaasa niya si Alexa.

Mas lalong dumami ang pambabatikos na ibinabato ng taumbayan dahil tila hindi na raw normal na reaksyon ng isang kaibigan ang ginagawa ni Brenda at tila dyowang nagseselos daw ang inaasta nito.

Kaya naman bilang kaibigan at matagal nang kasama sa industriya, sobrang nasasaktan si Juliana sa mga nakikita at naririnig para sa kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Sa isang Facebook post ay naglabas ito ng saloobin at nanawagan na sana’y lumabas na lamang si Brenda kaysa patuloy na husgahan ng netizens.

“Brenda Mage.. Sige na lumabas ka na ng bahay ni kuya.. Masyado ka ng durog nang durog dahil sa mga nakikita nila at bilang isang tunay na kaibigan mas gusto ko na lumabas ka para maisalba mo pa ang pangalan mo na unti unting nasisira habang nasa loob ka ng bahay,” saad ni Juliana.

“Dito mo sa labas ipagpatuloy ang pangarap mo.. Dito sa labas mo ipagpatuloy ang pagpapasaya mo.

May mga pagkakamali ka pero maitatama mo lahat ‘yun kung lalabas ka na at tiyak ko na sa paglabas mo, maisasalba mo pa ang pangalan na matagal mong binuo, iningatan at inalagaan,” dagdag pa nito.

Bago pa man pumasok sa showbiz si Brenda ay ilang taon rin itong nagtiis at nagtrabaho sa Japan bilang entertainer para makapagbigay tulong sa kanyang pamilya at ang naging pagsali ni Brenda sa segment ng “It’s Showtime” noong 2019 kung saan una nang nanalo si Juliana ang isa sa naging break ni Brenda.

“Labas na Brends. Tulad ng sinasabi ko lagi sayo noon, sa isang pagkakamali mo malilimutan nila kung ilang beses mo sila napasaya.. ‘Yan ang masakit na realidad ng buhay.

“Masakit bilang isang kaibigan na makita ‘yung masasakit na salita na binibitawan nila sayo pero ‘yun lang kasi ang nakikita nila,” pagpapatuloy nito.

Siniguro naman ni Juliana na sa paglabas ni Brenda mula sa “PBB” house ay mananatili siya sa tabi ng kaibigan.

“Tandaan mo, may kaibigan ka pa rin paglabas mo.”

 

Related Chika:

Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot!
Brenda Mage kay Alexa: Wala siyang silbi, ganda lang talaga…panay lamon pa

Read more: #ixzz7F4V7nJ9g
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending