23 songs ni Rico Blanco tampok sa ‘Liwanag sa Dilim’ musical

23 songs ni Rico Blanco tampok sa ‘Liwanag sa Dilim’, aarangkada na sa March 7

Pauline del Rosario - March 02, 2025 - 02:02 PM

23 songs ni Rico Blanco tampok sa ‘Liwanag sa Dilim’, aarangkada na sa March 7

PHOTO: Instagram/@9workstheatrical

ILANG araw na lang, aarangkada na sa entablado ang “Liwanag sa Dilim,” isang orihinal na Pinoy musical na siguradong pupukaw sa inyong damdamin!

Sa direksyon ni Robbie Guevara at tampok ang mga kanta ng OPM icon na si Rico Blanco, bibida sa kwento si Elesi na isang ulilang naghahanap ng katotohanan sa kanyang nakaraan.

Kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Cris, susuong sila sa laban para sa katarungan.

At sa gitna ng kanilang paglalakbay, isang matinding koneksyon ang mabubuo hindi lang sa isa’t-isa kundi pati sa mga taong huhubog sa kanilang kapalaran.

Kamakailan lang, nagkaroon ng press visit ang BANDERA kasama ang ilang entertainment press during rehearsals ng upcoming show at doon namin nakilala ang ilang cast members.

Baka Bet Mo: Rita ‘fully-booked’ ngayong 2025, madalas na rin bang makikita sa teatro?

Very exciting ang musical dahil talaga namang star-studded!

Kasama sa powerhouse cast sina Khalil Ramos, Anthony Rosaldo, CJ Navato, Vien King, Alexa Ilacad, at Nicole Omillo.

Hindi rin magpapahuli sina Rita Daniela, Neomi Gonzales, Arnel Carrion, Boo Gabunada, Jon Abella, Raul Montesa, Rica Laguardia, Lani Ligot, Jasper John Jimenez, Iya Villanueva, Derrick Gozos, Brianna Bunagan, Lucylle Tan, at Denzel Chang.

Bukod sa kanila, ang “Liwanag sa Dilim” ay pinagtulungan nina Robbie, Jonjon Martin, at Mio Infante sa kwento, habang si Orlando Dela Cruz naman ang nagbigay ng musical arrangements at orchestration.

Ayon sa 9 Works Theatrical Executive Producer na si Santi Santamaria, aabot sa 26 cast members ang musical, kasama na ang mga bata.

Samantala, 23 songs ni Rico ang kasama sa produksyon, mula sa kanyang solo hits hanggang sa panahon niya sa Rivermaya noong si Bamboo pa ang bokalista.

Sa kabuuan, may 40 musical numbers na may kasamang remix at transitions para sa mas epic na theatrical experience!

Ibinunyag naman ni Direk Robbie na halos walang binago sa orihinal na kanta maliban na lang sa kaunting adjustments, pero nananatili pa rin ang essence ng bawat lyrics.

“If a girl sings a song that a guy originates that, iiba ‘yung gender, yun lang, or nagiging plural –instead of ‘sa’yo’ nagiging ‘sa inyo.’ Very, very minimal but I won’t change keywords of the song,” paliwanag niya sa naganap na mini presscon during our visit.

Nabanggit din nila na binantayan din mismo ni Rico ang mga ginamit na kanta sa musical.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He’s strict with the notes, so he visited one musical rehearsal, oriented some, and for some reason, even his choice of notes is personal to him. Otherwise, the liberties we took musically, he liked them naman,” chika ng direktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 9 Works Theatrical (@9workstheatrical)

Ang “Liwanag sa Dilim” musical ay magsisimula na sa March 7 –tuwing weekends 3:00 p.m. at 8:00 p.m., pati na rin tuwing Biyernes at 8:00 p.m. sa CPR Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City.

Ang tickets ay mabibili na sa Ticket2Me via https://ticket2me.net/LiwanagSaDilimMusical.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending