Archie Alemania tuluyang kinasuhan ng Acts of Lasciviousness

Archie tuluyang kinasuhan ng Acts of Lasciviousness matapos ireklamo ni Rita

Pauline del Rosario - March 27, 2025 - 08:44 AM

Archie tuluyang kinasuhan ng Acts of Lasciviousness matapos ireklamo ni Rita

Archie Alemania, Rita Daniela

Trigger Warning: Mentions of sexual harassment

MAKALIPAS ang limang buwan, sinampahan na ng kasong Acts of Lasciviousness ang aktor na si Archie Alemania ng Office of the City Prosecutor sa Bacoor City.

Ito ay matapos ang reklamong isinampa laban sa kanya ng aktres na si Rita Daniela noong October last year.

Ayon sa tanggapan ng piskalya na iniulat ng GMA Integrated News, mayroong “prima facie case with reasonable certainty of conviction” upang kasuhan si Archie sa nasabing krimen.

Inirekomenda rin ng prosekusyon na maparusahan ang aktor sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.

Baka Bet Mo: Rita Daniela may trauma pa rin sa naranasang sexual harassment

“In this case, complainant was able to show how respondent touched forcibly kissed her and groped her breast and mashed it maliciously while they were inside respondent’s vehicle, which showed lewd signs on his part,” sey sa resolusyon.

Dagdag pa ng piskalya, hindi sapat ang pagtanggi ni Archie upang baligtarin ang mga natuklasan laban sa kanya.

“Furthermore, respondent’s allegation that he was only joking and was only being funny and that he did not do anything to complainant was not supported by evidence. Respondent’s bare denial of the allegations against him is insufficient to overturn the findings against him,” paliwanag pa ng tanggapan.

Aniya pa, “It is well-established that denial is an inherently weak defense.”

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Archie ukol sa kaso.

Magugunitang nag-ugat ang reklamo ni Rita laban sa aktor noong Setyembre 9, 2024, matapos siyang dumalo sa thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa cast ng “Widows’ War.”

Ayon sa aktres, lasing si Archie nang dumating siya sa party at nagbigay ng nakakabastos na mga pahayag tungkol sa kanya.

Nang pauwi na siya bandang alas-dos y medya ng madaling araw, inalok siya ni Archie na ihatid bilang may sasakyan ito.

Hindi siya pumayag nu’ng una dahil may na-book na siyang Grab, pero ito ay nagpumilit kaya kalaunan ay pinaunlakan na niya ito at kinansela ang Grab ride.

Habang nasa loob ng sasakyan, bigla raw siyang hinawakan ni Archie sa leeg at balikat, at nang makarating sa kanyang bahay, humiling ang aktor ng halik.

Sa kabila ng kanyang pagtanggi, sapilitan umano siyang hinalikan ng aktor.

Sa takot at pakiramdam na siya ay sexually violated, nagpumiglas si Rita upang makalabas ng sasakyan.

Kinabukasan, nakatanggap umano siya ng text mula kay Archie na humihingi ng tawad at idinahilan ang kanyang kalasingan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, maaalala noong Disyembre ay nagsumite si Archie ng counter-affidavit kaugnay sa inireklamo ni Rita upang itanggi ang ginawang pambabastos at harassment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending