Rita Daniela may trauma pa rin sa naranasang sexual harassment

Rita Daniela
MATINDI ang naging epekto sa Kapuso actress-singer na si Rita Daniela ng ginawang pambabastos umano sa kanya ng aktor na si Archie Alemania.
Nagsampa ng kasong acts of lasciviousness si Rita laban kay Archie o Archibald Alemania sa tunay na buhay sa City Prosecution Office sa Bacoor, Cavite noong October, 2024.
Ayon kay Rita, nangyari raw ang pambabastos sa kanya ng aktor noong September 9, matapos um-attend sa pa-thanksgiving party ng co-star nila sa Kapuso series na “Widows’ War” na si Bea Alonzo sa Quezon City.
“That being a public figure, a contractual artist with reputation to protect, it is very difficult for me to file the instant case but the trauma I was and am experiencing brought about by the incident gave me courage to face the consequences and file the instant case against the respondent,” pahayag ni Rita sa kanyang complaint affidavit.
Baka Bet Mo: Rita Daniela kinasuhan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
Hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa korte ang reklamo ni Rita kasunod ng paghahain naman ng counter-affidavit ni Archie na itinanggi lahat ng paratang sa kanya ng aktres.
View this post on Instagram
Sa panayam ng ABS-CBN kay Rita, nabanggit nitong grabe ang epekto sa kanya ng nangyari, “Well of course it affected me so much. I just don’t like talking about it actually. Most especially now because it’s already a case. It’s already there.
“But I just think that everything happens for a reason and I trust God why He let that thing happen to me. I have to say mas guarded na ako, a bit.
“I try my very best to still act the same but siyempre hindi mo na yun maaalis sa akin na siyempre may trauma pa rin yan, eh.
“So I just have to really be guarded and be more mindful and really choose the people that I open up to and that I talk to,” sabi pa ng aktres sa naturang interview.
Inamin din ni Rita na ngayong isa na siyang ina at sa lahat ng naging past experience niya sa life, mas malalim na ang mga hugot niya bilang aktres.
“Ang laki. Sobrang laki (ng pagkakaiba noon at ngayon). Mas madali ako nakaka-relate sa mga kanta, sa dapat na ibigay na emosyon.
“Mas madali ko siyang nagagawa at mas madali akong nakakahugot kung kinakailangan. Naisip ko talaga na ang daming units na pumapasok sa isipan at puso ko. Malaking bagay,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.