Archie Alemania lalaban kay Rita Daniela, wala raw binastos

Archie Alemania lalaban kay Rita Daniela, wala raw ginawang kabastusan

Ervin Santiago - November 13, 2024 - 12:40 AM

Archie Alemania lalaban kay Rita Daniela, wala raw ginawang kabastusan

Rita Daniela at Archie Alemania

LALABAN ang aktor na si Archie Alemania para kontrahin ang mga akusasyon sa kanya ng Kapuso actress na si Rita Daniela.

Sinampahan ni Rita ng kasong acts of lasciviousness ang dating “Bubble Gang” star matapos daw siyang paghahalikan at pagsalitaan nito ng mga kabastusan.

Rebelasyon ng aktres, nangyari raw ang pambabastos sa kanya ng aktor noong September 9, matapos siyang um-attend sa pa-thanksgiving party ng co-star nila sa “Widows’ War” na si Bea Alonzo sa Quezon City.

Baka Bet Mo: Archie ‘ibinenta’ ang asawa sa live selling: I-mine n’yo na! Napakamabunganga nito!

“That being a public figure, a contractual artist with reputation to protect, it is very difficult for me to file the instant case but the trauma I was and am experiencing brought about by the incident gave me courage to face the consequences and file the instant case against the respondent,” pahayag ni Rita sa kanyang complaint affidavit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Archie Alemania (@archiealemania)


Sa online show na “Showbiz Now Na”, nabanggit ng premyadong showbiz journalist at online host na si Cristy Fermin na nakausap daw niya si Archie tungkol sa isyu.

Ayon kay Nay Cristy, mariing dinenay ng aktor ang mga akusasyon ni Rita. Wala raw nangyaring pambabatos o anumang uri ng pananamantala nang magkita at magkasama sila sa naturang event.

Sabi pa ni Nanay Cristy, inihahanda na ng kanyang abogado ang ihahain nilang counter-affidavit sa demanda ni Rita.

Naibalita rin ng online host na lumapit pa raw si Rita kay Archie para maglabas ng kanyang mga saloobin tungkol sa ilang personal na bagay.

“Umiiyak pa si Rita, lumapit pa kay Archie itong si Rita at sabi Kuya, ayoko nang mag-attend pa ng ganitong party kasi parang pinagkakaisahan naman nila ako,” ang pagbabahagi pa ni Nanay Cristy sa pag-uusap nila ni Archie.

Binigyan pa raw ng aktor ng advice si Rita bilang nakababatang kapatid na rin ang turing niya sa aktres tungkol sa mga hugot nito na ayaw nang uma-attend ng mga party dahil pinagkakaisahan daw siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


“Ang sabi ni Archie, hindi ka pinagkakaisahan, sinasabihan ka lang para matuto kang maki-join sa kanila. So ang tanong ni Archie, kung talagang binabastos ko siya ba’t siya sa akin lumapit para magsumbong,” ang sabi pa ni Nanay Cristy.

“Nagpaliwanag siya, lahat po ng kwentong ‘yan ay hindi nangyari. Hindi po totoo yan,” dagdag pa ng veteran showbiz columnist base na rin sa  usapan nila ni Archie.

Ipinagdiinan naman ni Nanay Cristy na wala silang pinapanigan o kinakampihan kina Rita at Archie, nais lamang daw nilang ibigay sa publiko ang side ng aktor.

“Wala po kaming victim blaming dito ha, binabalanse lang namin ang mga kuwento tutal naman naglantad na si Rita doon sa sinumpaan niyang salaysay,” sabi ni Nanay Cristy.

Sabi pa ng online host, kung talagang binastos si Rita dapat lang daw panagutan ng kung sinuman ang ginawang panghaharas sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag o mensahe nina Archie at Rita tungkol sa kinasasangkutan nilang kontrobersya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending