Archie 'ibinenta' ang asawa sa live selling: I-mine n'yo na! Napakamabunganga nito! | Bandera

Archie ‘ibinenta’ ang asawa sa live selling: I-mine n’yo na! Napakamabunganga nito!

Ervin Santiago - October 04, 2021 - 12:37 PM

Gee Canlas at Archie Alemania

TAWANG-TAWA kami pati na ang mga social media followers ng mag-asawang Archie Alemania at Gee Canlas sa paandar nilang online live selling kamakailan.

Patok sa mga netizens ang pasabog nilang “Live Selling Gone Wrong” video kung saan nagkontrahan at nagsagutan ang celebrity couple tungkol sa mga item na ibinebenta nila.

Sa simula pa lang ng video ay tila nagkaasaran na ang dalawa lalo na nang mag-start na ang Kapuso actor sa pagpapakita ng mga branded niyang damit na kinontra agad ni Gee.

Talak ng aktres sa kanyang mister, “Hindi ‘yan tataas kasi hindi ka marunong mag-host! Hindi ka marunong mag-host, ayan na nga, simpleng-simpleng live selling na nga lang hindi mo pa magawa.”

Nang ipagpatuloy na ni Archie ang pagbebenta ng kanyang gamit muli siyang inokray ni Gee, “Sabihin mo yung brand! Nakikita naman nila na jacket, polo shirt!”

Sinunod naman ni Archie si misis at inilarawan nga ang unang item na kanyang ibinebenta pero na-bad trip pa rin si Gee at nag-dialogue ng, “Puwede ba gandahan mo yung boses mo sa pagsasalita mo?! Mag-smile ka naman!”

Tila napuno na si Archie sa pakikialam at pag-epal ng asawa kaya napasigaw na siya ng, “Ako, nabubuwisit na sa ‘yo ha!”

Sabi naman niya sa mga nanonood sa kanilang video, “O, kayo diyan, kung sino may gusto sa inyo, i-mine n’yo na! Sa inyo na ‘tong asawa ko, napakamabunganga nito!

“Puwedeng-puwedeng…ayun, sakto may nag-mine! I-screenshot mo na, sa ‘yo na! I-send mo na kaagad yung details, ipapadala ko na yung asawa ko ngayon na!” dagdag pa ng komedyante.

Mas lalong nawindang at naloka ang mga nanonood sa mag-asawa nang ipakita ni Archie si Gee na balot na balot ng bubble wrap. 

Hirit uli ni Archie, “Nabalot ko na po. Isi-ship ko na po doon sa nag-mine. Hindi ko pa po nabubusalan, pero don’t worry, pagdating sa inyo nakabusal na ‘to, well-packed, and tahimik na po siya.”

In fairness, may mahigit 4 million views at libu-libong comments na ang “live selling” video nina Archie at Gee habang ang sumunod nilang vlog ay umani na ng halos 2 million views at mahigit 2,000 comments.

Super thankful naman ang celebrity couple sa lahat ng mga nanood sa kanilang video pati na sa mga positive reactions ng netizens.

“Nakakataba naman ng puso ang mga aliw comments niyo from our live selling skit! More kakulitan coming up!” ani Archie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong, seryosohin na kaya ng mag-asawa ang pagla-live selling ngayong milyun-milyon na ang nakapanood sa kanila? Abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending