Archie Alemania kinontra demanda ni Rita Daniela sa counter-affidavit
ITINANGGI ng aktor at komedyanteng si Archie Alemania ang reklamong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ni Rita Daniela.
Kahapon ng umaga, December 10, nagsumite si Archie ng kanyang counter-affidavit sa Bacoor Hall of Justice sa Cavite kaugnay ng kinakaharap niyang acts of lasciviousness case.
Kasama ng aktor ang kanyang abogado sa paghahain ng kanyang counter-affidavit kung saan mariin niyang itinanggi na binastos at hinaras niya ang kapwa Kapuso star.
Ang pagsusumite ng counter-affidavit ni Archie ay bahagi ng isinasagawang preliminary investigation ng piskalya sa naturang reklamo.
Hindi na nagbigay ng detalye ang piskal hinggil sa nilalamang affidavit ni Archie ngunit base sa report ng “24 Oras”, karamihan nito ay naglalaman ng pagdedenay ni Archie sa mga akusasyon ni Rita.
Baka Bet Mo: Archie kinuyog ng bashers, dedma sa acts of lasciviousness case ni Rita
Samantala, sinabi naman ng abogado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hangga’t maaari ay iniiwasan nilang magtagpo nang personal ang aktres at si Archie.
“Because of the trauma that the victims of these crimes, well of course alleged victims of these crimes, is undergoing psychologically.
View this post on Instagram
“So as her counsel, I also have to protect her mental health. The counsel of Archie is amenable to that,” ani Garduque. “The counsel of Archie is amenable to that,” dugtong niya.
Sa tanong kung kumusta na ngayon si Rita, sagot ng abogado, “Actually as of this date, even up to now, she’s not okay.”
Sa darating na December 17 nakatakdang isumite ni Rita ang kanyang sagot sa counter-affidavit na inihain ni Archie.
Kung matatandaang sinampahan ng kasong acts of lasciviousness ni Rita si Archie sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City noong October 30
Rebelasyon ng aktres, nangyari raw ang pambabastos sa kanya ng aktor noong September 9, matapos siyang um-attend sa pa-thanksgiving party ng co-star nila sa “Widows’ War” na si Bea sa Quezon City.
“That being a public figure, a contractual artist with reputation to protect, it is very difficult for me to file the instant case but the trauma I was and am experiencing brought about by the incident gave me courage to face the consequences and file the instant case against the respondent,” pahayag ni Rita sa kanyang complaint affidavit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.