Deanna Wong tinalakan ng netizens, nang-isnab na naman ng fan?

Deanna Wong
USAP-USAPAN na naman ngayon sa social media ang volleyball player na si Deanna Wong matapos umanong tumangging magpa-picture sa isang fan.
Iyan ang paniniwala ng mga nakakita sa Facebook reels ni Tonio Dillinger kung saan mapapanood na habang nakaupo si Deanna sa bench ay may girlalu na lumapit sa kanya.
Pero ilang saglit lang ay agad ding umalis ang babae nang may sabihin sa kanya si Deanna. Ang feeling ng mga netizen, baka raw hindi pumayag ang atleta na magpa-selfie.
Wala namang binanggit ang uploader ng reels kung ano talaga ang nangyari pero talagang hinusgahan na agad ng mga netizen si Deanna pero may mga nagtanggol din naman sa kanya.
“Basta tibo may ugali talaga.”
“Because she has every right to refuse.”
“She’s in her private moment. Respect boundaries.”
View this post on Instagram
“Sino kaba? May regla ka siguro.”
“Ayyy IDOL NYO NAMAMAHIYA.”
“Kaya mas gusto ko pa ang mga beki ksa sa tomboy. May iba kasing tomboy na akala mo kung sino na may et*ts.. mas mayabang pa sa lalaki kala mo nman di nireregla.”
“Felt bad kay Ate. Nakaka trauma yan kapag nahinde-an ng celeb. Parang feeling mo, lahat ganyan. Kaya di kana magpapa picture.”
“Public figures have the right to say no if they don’t want to take pictures. Y’all need to understand that this wasn’t a public event she was part of, she was there to watch and enjoy the show in private. So why all the yapping? Eyon.”
“This girl should understand that she is a celebrity and public figure although she has no responsibility on other people but must learn and understand to respect fans who adore her and has given their time just to watch her, by bringing to them the gratitude or the pansin they need from her, umuwe sila n Masaya , Yun lang MALAKING bagay na, kahit Hindi maganda pkiramdam mo, it’s part of being a celebrity.”
“This is our toxic manner filipinos, yung hirap makaunawa ng personal space at hindi makaintindi na hindi sa lahat ng oras dapat napagbibigyan tayo sa mga gusto natin. Tao lang din sya, pwedeng pwede tumanggi sa kung anong request anytime, anywhere. Hindi lang napagbigyan, kung ano ano na pinagsasabi nyo.”
“If we don’t like someone’s attitude, why attack their gender? If straight yung tumanggi, di naman natin sinasabi na palibhasa lalaki/babae kaya ganyan. Pero if queer, sasabihan na kala mo may bayag nireregla naman. Like anong konek? Isa pa, kahit sports personalities o celebrities, tao sila hindi photobooth. they have the rights to say no. We must learn how to respect boundaries. Pag di tayo napagbigyan, wag masama loob. Pinupuna natin ugali ng iba pero sariling toxic traits natin na di marunong rumespeto ng boundaries, okay lang? Lol. I don’t even know who is she, but I know she’s human.”
“They are human beings. Kahit sino, minsan masama lang talaga timpla natin or may problema tayo. Its their prerogative to say no to anybody. Wag kayo mga paimportanteng fans.”
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag at reaksyon ni Deanna hinggil sa isyung ito. Kaya wait na lang muna tayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.