Alyssa Valdez ayaw mag-artista: Wala po akong masyadong talent!
MARAMING nagsasabi na pwedeng-pwede ring sumabak sa pag-aartista ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez.
In fairness, kakaiba rin ang ganda at karisma ni Alyssa kaya naman napakarami ring guys ang nahuhumaling sa kanya.
Sa guesting ng dalaga sa Kapuso afternoon talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” ay isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung bakit hindi niya subukang pasukin ang larangan ng pag-arte.
Diretsahang sagot ni Alyssa, “Tito Boy wala po akong masyadong talent. Mag-volleyball lang yata talaga,” birong sagot ni Alyssa tungkol sa kanyang sarili.
Baka Bet Mo: Alyssa Valdez hindi na itutuloy ang PBB journey, papalitan ni Sam Bernardo
Mas game raw siya sa pagho-host, sa katunayan maraming pagkakataon na rin na naimbitahan siya sa ilang hosting jobs.
“Tito Boy, if you need someone to co-host, I will be very happy,” natatawang sabi pa ni Alyssa kay Tito Boy.
View this post on Instagram
Sa Fast Talk segment naman, “guilty” ang sagot ni Alyssa sa tanong kung sumagi na rin na sa isip niya ang mag-retire sa paglalaro ng volleyball.
Inamin naman ng dalaga na may “someone” na nagpapakilig sa kanya ngayon pero mariin niyang itinanggi na may artista at politiko na nanligaw o pumorma sa kanya.
Samantala, natanong din ni Tito Boy si Alyssa tungkol sa volleyball star na si Ran Takahashi mula sa Japan men’s national team.
“He’s super nice, good looking, plays well as well. I think one thing kaya din very interactive ‘yung conversation namin was because back then during that time kailangan niya agad bumalik ng Japan, and he wanted to show his love for all the fans kasi hindi niya po natapos ‘yung mga games niya dito sa Manila,” kuwento ni Alyssa.
Sunod na tanong ni Tito Boy kung personal silang nagkita ni Ran, “We’ve met personally,” sagot ng Creamline Cool Smashers volleyball player.
“May spark?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy kay Alyssa na tumawa lang at hindi na sumagot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.